in

Paano ang magpa-schedule ng Italian language test para sa Carta di Soggiorno?

Narito ang paraan sa pagpapa-schedule ng Italian language test na kinakailangan upang makumpleto ang requirements ng EC long term residence permit (o carta di soggiorno). 

Ang mga non-EU nationals na nagtataglay ng mga requirements para mag-aplay ng EC long term residence permit (Artikulo 9 ng Pambatasan atas walang 286 ng 1998), ay dapat patunayan rin ang kaalaman sa wikang Italyano. Upang maipakita ito, ang imigrante ay dapat na nagtataglay ng mga sertipiko na magpapatunay ng kaalaman sa wikang Italyano, o dapat sumailalaim sa mga pagsubok.

Sa website ng Ministry of Interior (www.interno.it), sa Immigration Section, ay matatagpuan ang mga form para sa request on line at mga brochures kung paano gagawin ang pagsusulit.

Ang batas

Sa ilalim ng Artikulo 9, Batas ng Hulyo 25, 1998, bilang 286, ay ipinalabas ng Ministry of Interior ang pamamaraan ng test sa wikang Italyano noong Hunyo 4, 2010. Ito ay nagbigay muli ng mga karagdagang paglilinaw sa Circular bilang 7589 ng Nobyembre 16, 2010.

Sino ang dapat sumailalim sa test

Ang test ay dapat gawin ng mga non-EU nationals na nais na magkaroon ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno. 

Sino ang mga exempted sa  test

1) ang mga mayroong sertipiko na nagpapatunay ng kaalaman sa wikang Italyano at may antas na hindi bababa sa A2 ng CEFR na ibinibigay ng mga kinatawan na kinikilala ng Ministry of Foreign Affairs at ng Ministry of Education, ng University at ng Research center:  University of Roma TRE, University for foreigners of Perugia,  University for foreigners of Siena and Dante Alighieri Society, o mga ibinigay ng School for adults ayon sa artikulo 1, talata 632, Batas ng 27 Disyembre 2006, bilang 296.

Ang CEFR ay kumakatawan sa Common European Framework of Reference for Languagesat ito ay isang guideline na ginagamit upang ilarawan ang kahusayan na nakamit ng mga nag-aral ng isang wikang banyaga ng European Union. Ang CEFR ay nahahati sa 6 mga antas ng – A1, A2, B1, B2, C1 at C2 – na mga pamantayan upang masuri ang antas ng kasanayan sa wika.
 

2) mga nagtapos sa sekundaryong paaralan, sa una o ikalawang grado ng mga paaralang nasa ilalim ng sistema ng edukasyon ng Italya o mga pumasok sa isang unibersidad, Masteral degree o doctorate sa Italian university.

3) mga mayroong  sertipiko na nagpapakita ng pagpasok ng regular sa Italya at napapasailalaim ang aktibidad sa art. 27 ng batas 286 ng taong  1998 talata 1. a) c) d) e) q).

Isang karagdagang exemption ang para sa mga taong mayroong malubhang limitasyon upang matutunan ang wika tulad ng edad, kapansanan o sakit at nagtataglay ng mga sertipiko mula sa pampublikong pasilidad sa kalusugan.
Kung ang dayuhan ay mayroong mga  katibayan o mga certifications ay maaaring humiling ng EC long term residence permit kalakip ang sertipikadong kopya ng naturang mga dokumento. Sa kaso ng mga aktibidad sa ilalim ng Art. 27 ang dayuhan ay maglalakip ng mga  papeles na maghahayag ng exemption. Sa kaso ng malubhang karamdaman ay dapat na ilakip ang certification na ibinigay ng mga pasilidad sa kalusugan.

Kung ang dayuhan ay wala nang mga requirements na nabanggit o hindi nabibilang sa mga exempted, bago mag-aplay para sa EU long term residence permit ay kinakailangang sumailalaim sa test ng wikang Italyano (antas A2).

Ang pamamaraan

Ang pamamaraan ay nahahati sa 4 na phases. Pagsusumite ng application; Pagbibigay ng abiso sa schedule ng test sa pamamagitan ng Prefecture; Test sequence; Pagsusuri ng resulta ng test para sa pag-iisyu ng Questura ng EU long term residence permit.

Pagsusumite ng application

Ang request ay dapat na isumite on line sa Prefecture. Kailangan pumunta sa website ng Ministry of Interior. Mula sa home page ay piliin ang link na “immigrazione“. Pagkatapos i-click sa test lingua italiana per permesso di lungo period, i-download ang software upang makuha ang form at i-fill up ang form upang gawin ang request. Sa form ay dapat na isulat ang mga personal datas ng aplikante, ang mga datas ng permit to stay, address, contact numbers at i-specify ang address kung saan nais matanggap ang Schedule mula sa Prefecture.

Abiso ng schedule ng test

Ang Prefecture, ayon sa tirahan ng aplikante, matapos matanggap ang application ay magsasagawa ng mga pagsusuri tulad ng edad (dapat na higit sa 14 taon), ang pagkakaroon ng isang balidong permit to stay, at ang kawalan ng ibang schedule. Matapos ang mga pagsusuri na ang lahat ng bagay ay nasa ayos, ipapadala ang abiso ng schedule (convocazione) sa dayuhan sa loob ng 60 araw mula sa araw ng request, sa address na isinulat sa application.

Kung mayroong mga error sa compilation ng application ang Prefecture ay magpapadala ng isang sulat na hihingi ng pagwawasto ng mga impormasyon at hihingin na muling isumite ang request.

Pamamaraan sa pagkuha ng test

Ang mga non-EUnationals, na nakatanggap ng abiso ng schedule ay dapat pumunta sa itinalagang lugar para sa test. Ang test ay ginagawa sa pamamagitan ng isang computer, gayunpaman, kung ang dayuhan ay hihilingin, maaari ring gawin ang test sa pamamagitan ng mga papel.

Upang ang test ay tawaging pasado, ang dayuhan ay dapat magkaroon ng tamang sagot na aabot sa 80% ng mga katanungan. Samakatwid ang dayuhan ay maaari nang mag-request ng EU long term residence permit. Kung hindi naman aabot sa 80% ang mga tamang sagot, ang test ay dapat ulitin.

Ang mga resulta ng test (maaaring matagpuan sa website http://testitaliano.interno.it) ay nakatala sa isang database ng Department of Immigration at ipinapadala sa Police Headquarters o Questure.

Para sa anumang problema sa website ng Ministry of Interior ay mayroong serbisyo ng help desk kung saan, ang dayuhan ay maaaring humiling at tumanggap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng kanilang e-mail.

Pagsusuri ng Pulisya

Sa wakas, ang pulis (Questura), kung saan ipinapadala ang resulta ng test, kasama ng lahat ng mga kinakailangan para sa pagkuha ng EU long term residence permit at sinusuri ang resulta ng test, ay muling padadalhan ng abiso ang dayuhan upang i-release ang residence permit.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Jessica Sanchez, napipiling aawit ng “Lupang Hinirang”

“EYE ON THE PHILIPPINES” IN CNN