in

Paano kinikilala ang diploma buhat sa ibang bansa?

Magandang umaga po, nais kong magkaroon ng mga impormasyon ukol sa pagkilala ng aking pinag-aralan sa ibang bansa. Maraming salamat po.

altAng mga kwalipikasyon o pinag-aralan sa ibang bansa ay walang legal na halaga sa Italya, maliban na lamang kung may partikular na kasunduang internasyunal. Ang mga tinapos na kurso, gayunpaman, ay maaaring ipahayag na katumbas, at naaayon sa kurso sa Italya.

Una, kailangang alamin ang  dahilan ng pagkilala sa kwalipikasyon o sa natapos sa ibang bansa,  maaaring pang-edukasyon o akademikong layunin (tulad ng doctorate PhD o post-graduate course tulad ng Master’s degree), o maaaring ang layunin ay ang pagsasanay ng isang propesyon.

Ang pagkilala sa kwalipikasyon o pinag-aralan sa ibang bansa para sa mga layunin ng pag-aaral

Ang unang kaso, ang pagkilala ng kwalipikasyon o diploma, ay responsibilidad ng institusyon kung saan nais ipagpatuloy ang pag-aaral.

Mahalagang tandaan na ang mga kabataang dayuhan ay maaaring magpatala sa mga paaralan sa Italya sa lahat ng antas, sa buong taon. Sa pagpasok naman sa High School –  una at ikalawang antas (scuole medie at superiori)  at hindi pumasok kaylanman sa mga paaralan sa Italya, ang enrollment ay maaaring gawin lamang kung kikilalanin ang diploma na translated, legalized at authenticated sa Konsulado ng Italya sa bansang pinanggalingan (tanggapan para lamang sa mga mag-aaral). Sa ganitong kaso, ang pagkilala ng diploma ay magmumula sa Provincial Educational Office, na maaaring mangailangan ng karagdagang mga pagsubok.

Kahit sa pag-pasok sa mga unibersidad sa Italya, ay kinakailangan ang pagkilala sa diploma.

Sa kasong ito, ang university ang may responsibilidad at ang diploma, translated at legalized, ay dapat na isumite kasama ng lahat ng kinakailangang mga papeles kapag nagpa-enroll. Ang enrollment sa mga unibersidad ay hindi palaging posible, ngunit sa itinakdang panahon lamang (karaniwan ay sa pagitan ng Mayo at Hunyo at dapat magtungo sa kinatawan ng Italya upang isumite ang application para sa pre-registration).

Sa pagkakataong isang degree sa unibersidad,  upang makapasok sa isang post graduate o doctorate o PhD, ang diploma ay kailangang buhat sa isang State University o kinikilala ng batas.

Palaging ipinapayo na alamin buhat sa mga unibersidad o  kolehiyo ang mga deadlines para sa pagsusumite ng aplikasyon at ng mga dokumentasyon.

Ang Italian  representative, sa pamamagitan ng tanggapan nito ang mangangalaga sa opisyal na translation ng diploma. Upang ito ay maaprubahan at kilalanin ng tuluyan, ay hindi sapat ang translation lamang ng degree, ngunit dapat na translated at legalized ng tanggapan, maging ang orihinal na diploma sa paaralang sekundaryo at ang orihinal na certification ng risulta ng board exam buhat sa unibersidad. Ang Konsulado ang magkakaloob ng Declaration of Value (dichiarazione del valore) ng diploma sa unibersidad at ng diploma sa Second degree High School.  

Matapos ang mga dapat gawin, ang dayuhang  mag-aaral ay maaaring magsumite ng aplikasyon ng pagkilala sa university. Kung ang dayuhan ay legal na nasa Italya, dapat ipadala ang aplikasyon sa Dean ng university kasama ng lahat ng mga supporting documents, ay maaaring direktang iprisinta sa secretariat office ng mga mag-aaral sa universidad.

Kung ang dayuhan naman ay nasa labas ng bansa, ang aplikasyon ay dapat na isinumite sa pamamagitan ng Embahada o ng Konsulado.

Matapos ipadala ang aplikasyon, ang university ay maaaring kilalanin ang diploma, o, kung partial lamang ang ginawang pagkilala sa mga pagsubok, ang dayuhan ay kailangang magpatala sa isang kurso upang makumpleto ang cycle ng pag-aaral bago talakayin ang thesis .

Ang pagkilala sa kwalipikasyon o sa pinag-aralan sa ibang bansa para sa mga layunin ng pagta-trabaho sa Italya

Kung ang pagkilala ng kwalipikasyon ay para sa layunin ng trabaho o pagsasanay ng isang propesyon, ang dayuhan ay dapat mag-aplay sa National Public Administration (Ministry) na sumasakop dito. Kung kaya’t halimbawa, para sa mga propesyon ukol sa kalusugan ay ang Ministry of Health ang sumasakop, para sa mga propesyon na may kinalaman sa batas naman ay ang  Ministry of Justice at marami pang iba. Sa kasong ito, ay iminumungkahing pumunta sa Italian Embassy kung ang dayuhan ay nasa ibang bansa, o nang direkta sa Ministry kung ang dayuhan ay regular na sa Italya, upang malaman ang lahat ng kinakailangang mga papeles na dapat isumite para sa pagkilala ng diploma o ng propesyon.

Para naman sa mga EU nationals, ang pagsasanay ng propesyon sa Italya ay hindi napapailalim sa anumang kundisyon, ngunit mahalagang tandaan na para sa mga non-EU nationals, ang pagiging self-employed o pagsasanay ng anumang propesyon, ay palaging napapailalim sa quota sa pamamagitan ng Direct Hire.

Kung ang mga dokumentasyon ay tama at kumpleto, sa pamamgitan ng isang dekreto, ang Ministry ay maglalathala sa Official Gazette, ay kikilalanin ang diploma, samakatwid ang propesyon. Kasunod ng pagkilala nito, ang dayuhan ay maaaring magpatala sa asosasyon ng mga propesyonal (Ordini professionali) ng sariling propesyon. Sa ilang mga kaso, gayunpaman, ay maaaring magbigay ng ilang karagdagang requirements para sa ganap na pagkilala ng propesyon, maaari rin itong internship.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Isa kang itim” – Dahilan ng mababang grades ng isang dayuhang mag-aaral

ISMU: Mabagal na daloy ng imigrasyon, dahil sa krisis.