in

Paano magkakaroon ng Green pass sa Italya ang binakunahan sa ibang bansa?

Ang lahat ng mga nakatala sa National Health Service o Servizio Sanitario Nazionale (SSN) sa Italya, samakatwid kasama ang mga Pilipino na regular na residente sa Italya, na binakunahan kontra Covid19 sa ibang bansa o gumaling sa ibang bansa sa sakit ng Covid19 ay maaaring isyuhan ng Green pass sa Italya, mula sa DGC national platform, ayon sa mga requirements na itinalaga ng batas. 

Sa katunayan, sa Circular ng Ministry of Health ay nasasaad na kinikilalang balido ang bakunang ginawa sa ibang bansa kung ito ay isa sa apat na bakunang aprubado ng European Medicine Agency (EMA). Ito ay ang Pfizer, Moderna, Astrazeneca at J&J

Paaano magkaroon ng Green pass 

Upang magkaroon ng Green pass na balido sa Italya at Eurora, una sa lahat ay kailangang magtungo sa local health services (ASL) at magdala ng balidong dokumento, codice fiscale at ang vaccination certificate mula sa health authority ng bansa kung saan nagpabakuna, nagtataglay ng mga sumusunod na datos:

  • Datos ng binakunahan (name, surname & date of birth);
  • Datos ng bakuna (pangalan at batch number);
  • Petsa ng pagbabakuna;
  • Datos ng nag-isyu ng sertipiko (gobyerno, heath facility etc)

Tandaan na ang vaccination certificate, printed at/o digital format ay dapat na nasa wikang ingles o mayroong English translation. 

Pagkatapos ay gagawin ng ASL ang pagreregister sa naganap na pagbabakuna sa ibang bansa. Sa puntong ito ay magpapadala ang Ministry of Health ng AUTHCODE ilang minutos matapos ang pagre-register. 

Sa homepage ng https://www.dgc.gov.it/spa/public/home, pillin ang “Utenza senza tessera sanitaria o vaccinato all’estero”. Ilagay ang mga kinakailangang datos tulad ng uri ng balidong dokumento na ginamit sa pagre-register ng bakuna sa Italya. 

Gamit ang matatanggap na AUTHCODE na natanggap ay maida-download ang Green pass at QR code mula sa website ng DGC. 

I-save ito sa smart phone at ipinapayong mag-print din ng isang kopya nito.  (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Elezioni Comunali 2021, narito kung paano bumoto

No Green pass, No work, No pay