Sa sinumang magpapakasal sa Italya kahit na dayuhan, ayon sa batas, ay nasasakop ng karapatan sa pagpapamilya. Sa pagpapakasal sa Italya sa isang mamamayang Italyano ng isang Pilipino/a (o dayuhan), ay hindi kinakailangan ang permit to stay at sapat na ang isang balidong dokumento (hal. pasaporte)
KASAL sa pagitan ng dalawang Pilipino
Ang Embahada ng Pilipinas/Konsulado ay nagkakasal sa mga mamamayang Pilipino lamang, regular man o hindi.
Ang tamang edad ay 18 taong gulang. Gayunpaman, kinakailangan ang CONSENT ng magulang sa mga ikakasal na may edad na 18 hanggang 21. Samantalang, PARENTAL ADVICE naman sa mga ikakasal na may edad na 21 hanggang 25.
Mga kinakailangan:
- Duly accomplished Application for Marriage License – Municipal Form No. 90 and Affidavit of Legal Capacity to Contract Marriage
- Birth Certificate in security paper issued by the National Statistics Office (NSO) authenticated by Authentication Division, DFA Manila (Original & one photocopy)
- Certificate of Non-Availability of Record of Marriage (CENOMAR) issued by the National Statistics Office (NSO) (Purpose: For Marriage) authenticated by Authentication Division, DFA Manila (Original & one photocopy)
Paalala: Ang validity ng CENOMAR ay anim na buwan lamang matapos itong iisyu ng NSO. Ang lahat ng dato (tulad ng pangalan ng aplikante, lugar at araw ng kapanganakan at mga pangalan ng magulang) na nasa CENOMAR ay dapat na tugma sa birth certificate ng aplikante.
- Original and one (1) photocopy of Affidavit of Parental Consent (for applicants aged 18 years to 21 years) –OR original and one (1) photocopy of Affidavit of Parental Advice (for applicants aged 21 years to 25 years) .
Ang Parental Consent o Advice ay dapat na nagtataglay ng pangalan ng magkasingtahan at dapat na dumaan (kung ginawa sa Pilipinas) sa mga sumusunod na tanggapan: Notary Public; Regional Trial Court; and DFA Manila, Authentication Division.
- Kung ang mga magulang ay nasa Italya, ang mga afiidavits of consent at parental advice ay maaaring gawin ng personal ng mga magulang ng ikakasal sa Embahada ng Pilipinas. Ito ay nagkakahalaga ng of €25.00 bawat affidavit
- Passport (Original & 1 Photocopy of Data Page & Last Page)
- Two (2) Passport Size Pictures
- Application Fee of €25.00
- Marriage Solemnization Fee of €60.00
- Publication for 10 consecutive days
- Marriage Counseling Certificate (Kinakailangan ang pag-attend sa isang Counseling seminar, kung ang isa o ang parehong makasintahan ay mas bata sa 25 taong gulang ayon sa Art. 6 ng Family Code)
- A photocopy of the passport/carta d’identita of the two principal witnesses
Kung walang ‘parental advice’ o ito ay hindi sang-ayon sa pagpapakasal, ang marriage license ay ipagkakaloob lamang tatlong buwan matapos ang pagkakaroon nito.
Kung ang mga magulang ay hindi na matagpuan, kinakailangan ang Affidavit of Abandonment o ng isang kasulatan na nagpapahayag ng hindi pagkakakilala sa mga magulang. Kung ang advice naman ay negatibo, ito ay nangangailangan ng isang Affidavit kung saan sinasaad na hiningi ang isang positibong advice kasama nito ang nakasulat na negative advice. Kailangan ding nasasaad sa affidavit kung ang mga magulang o tagapag-alaga ay tumangging magbigay ng advice.
PAALALA:
Ang KASAL sa pagitan ng dalawang Pilipinong parehong hindi regular sa Italya ay hindi kinikilala ng batas ng Italya (dahil sa kawalan ng permit to stay) at sa Embahada ng Pilipinas o Konsulado lamang maaaring magpakasal.
KASAL sa pagitan ng isang mamamayang Pilipino at isang mamamayang Italyano o isang dayuhang mamamayan
Ano ang mga dapat gawin
Ang isang Pilipina/o na nais magpakasal sa Italya ay dapat mag-request sa Embahada ng Certificate of No Objection o Certificato di Nulla Osta. Ito ay isang pahayag na nagpapatunay na walang hadlang sa pag-aasawa.
Para sa Embahada ng Pilipinas, bilang pangunahing requirement upang makakuha ng Certificate of No Objection, ang mga aplikante ay parehong dapat magtungo ng personal sa Embahada.
Narito ang mga requirements ng Embahada ng Pilipinas .
- Application for Marriage License-Municipal Form No. 90 and Affidavit of Legal Capacity to Contract Marriage
- Passport (Original & 1 Photocopy of Data Page & Last Page)
- Birth Certificate in security paper issued by the NSO authenticated by Authentication Division, Department of Foreign Affairs (Original & 1 Photocopy)
- Certificate of Non-Availability of Record of Marriage [CENOMAR] (Purpose: For Marriage) in security paper issued by the NSO authenticated by Authentication Division, DFA-Manila (Original & 1 Photocopy)
Paalala: Ang validity ng CENOMAR ay anim na buwan lamang matapos itong iisyu ng NSO. Ang lahat ng dato (tulad ng pangalan ng aplikante, lugar at araw ng kapanganakan at mga pangalan ng magulang) na nasa CENOMAR ay dapat na tugma sa birth certificate ng aplikante.
- Original and one (1) photocopy of Authenticated Parental Consent (for applicants aged 18 years to 21 years) – OR original and one (1) photocopy of Authenticated Parental Advice (for applicants aged 21 years to 25 years)
Ang Parental Consent o Advice ay dapat na nagtataglay ng pangalan ng kasingtahan at dapat na dumaan (kung ginawa sa Pilipinas) sa mga sumusunod na tanggapan: Notary Public; Regional Trial Court; and DFA Manila, Authentication Division.
- Kung ang mga magulang ay nasa Italya, ang mga afiidavits of consent at parental advice ay maaaring gawin ng personal ng mga magulang ng ikakasal sa Embahada ng Pilipinas. Ito ay nagkakahalaga ng of €25.00 bawat affidavit.
- Two (2) Passport Size Pictures
- For the (would-be) Italian Spouse : Certificato Contestuale / Carta d’Identita
- For the (would-be) foreign spouse (non-Italian) : a Certificate of No Objection (CNO) or its equivalent from his/her Embassy or Consulate; passport (original & 1 photocopy)
Sa sandaling makuha ang Certificate of No Obligation, ay dapat na magtungo sa Prefecture para sa legalisasyon. Ito ay upang i-authenticate ang mga lagda ng konsul o ng Ambassador.
Kung ang Pilipina/o ay isang regular na naninirahan at residente sa Italya, ay dapat ding kumuha ng isang kopya ng ‘Certificato di stato libero’ at ‘Certificato di Residenza’ na may isang stamp (marca da bollo) ng € 14.62.
Kung nais magpakasal sa simbahang Katoliko, o ayon sa iba pang relihiyong pinapayagan ng gobyerno ng Italya, ay kailangang gumawa ng request sa Kura-paroko o Ministro na magkakasal.
Kung nais magpakasal sa Comune (Sibil), ang Pilipino/a ay dapat magtungo, kasama ang kanyang mapapangasawa, sa Wedding Office ng Munisipyong kinasasakupan at isumite ang sumusunod na mga dokumentasyon.
1.balidong dokumento ng 2 magpapakasal
2.Authenticated Birth certificate ng Konsulado o Embassy
3.Certificate of No Obligation mula sa Konsulado o Embassy;
4.Certificato di Stato libero at Certificato di residenza na mayroong stamp kung ang Pilipina/o ay residente sa Italya.
5.self-certification ng Residenza at Stato libero ng ikakasal na Italyano/a
6. request na ibinigay sa Pari o Ministro na magkakasal.
Ang Officer ng Stato civile pagkatapos, ay gagawin ang publication nito sa City hall (Albo pretorio) kung saan makikita ang mga pangalan ng mga ikakasal at ang lugar kung saan sila ikakasal (Wedding publication)
Pagkatapos ng 8 araw (kabilang hanggang 2 araw ng Linggo) magmula sa araw ng publikasyon ay i-isyu ang isang sertipiko ng Wedding publication.
Ang dokumentong ito ay dapat na isumite sa loob ng 180 araw, sa opisyal ng Stato civile ng Munisipyo upang i-schedule ang araw ng kasal.
Sa araw ng panunumpa (kasal) ay magpapalitan ng pangako sa kasal sa harap ng opisyal ng Stato civile ang magkasintahan. Kaharap rin ang dalawang saksi para sa bawat magkasintahan. Kung ang isa sa mga saksi ay dayuhan, kinakailangan ang pagkakaroon ng permit to stay. Maaaring humiling ng interpreter kung nanaisin ng ikakasal.