in

Pachetto sicurezza at pagsasagawa ng deportation

Matatandaan na ang pachetto sicurezza, (law 94 of 2009) ay inaprubahan at intensyon na isakatuparan lalo’t higit ang tungkol sa kinikilalang krimen ng mga illegal migrants at pagsasagawa sa pamamaraan kung paano ikukulong at pauuwiin ang isang dayuhan. Ang pasiya sa execution ng pagpapauwi ay ipapaalam ng Chief of Police sa Judge at ang hatol ay hindi na bibigyan pa ng pagkakataon na umapela.

Ang pamamaraan

Pinagtibay ng art. 14 sa Testo Unico sull’immigrazione d.lgs. 286 del 1998 ang pagpapatupad sa mga pamamaraan ng deportation. Ito ay nasa nakapaloob sa unang talata ng artikulong nabanggit na kung hindi maaari ang agarang pagsasagawa sa pagpapaalis ng dayuhan, ang dayuhan ay dadalhin at ikukulong sa Identification and Deportation Center. Ganunpaman ang pagkukulong sa loob ng CEI ay dapat may patunay ng Hukom sa hangaring magbukas ng dalawang kautusan laban sa dayuhan. Isa dito ay ang pag-iimbestiga sa kasong krimen at isa para patunayan ang pagkakakulong.   

Sa oras na mapatunayan ang dahilan ng pagkakulong, ang dayuhan ay mananatili sa CIE sa loob ng tatlumpung araw, ito ay panahong kailangan upang alamin ang identity ng dayuhan at maihanda ang
pagpapauwi sa sariling bansa. Kung sakali man na may kahirapan sa pangangalap ng mga dokumentong kailangan, maaaring ma-extend pa ng higit sa 30 days ang pananatili sa CIE, ayon sa request ng Chief of Police sa pamamagitan ng opinyon mula sa Judge.

Sa mga napabalitang batas na pacchetto sicurezza, ipinabatid ang karagdagang hakbang na extension sa deadline sakali man na ang Country of origin ng dayuhan ay hindi nakipagtulungan. Inaasahan rin na kung hindi makipagtulungan ang gobyerno, maaaring humiling ng extension na 60 days kung ang third country ay walang intensiyong alamin ang pagpapauwi sa illegal na dayuhan sa kabila ng lahat na pagsisikap ng Italian Autority.

May posibilidad na ipatupad ng Chief of Police ang pagpapauwi sa illegal na dayuhan kahit walang
authorization ng hukuman (kung malinaw na ang isang dayuhan ay prosecuted at hindi pwedeng mapangalagaan sa bilangguan), kung ang kaso ay pagiging illegal stay. Kung sa loob ng CIE ay walang available na pwesto para ikulong ang illegal na dayuhan at walang dahilan pa upang ituloy ang pagpapauwi, ang Chief of Police ay magbibigay ng written notice na nag-uutos sa dayuhan na umalis sa Italian territory sa loob ng limang araw.  

Mga katanungan

Ang mga tuntuning itinatag ay nagdulot ng nakahanay na katanungan sa konstitusyon, tulad ng extension na hinihiling ng Chief of Police sa Judge na handang magpatunay sa pagkakakulong ng dayuhan na maaaring magpigil sa kaniyang kalayaan sa loob ng anim na buwan dahil lamang sa kaniyang pagiging clandestine sa italian territory o kaya’y ang pananatili sa bansa matapos ang expiration date ng permesso di soggiorno.

Ang terminong 180 days ay parang hindi tumutugma kahit sa nakasaad sa batas, tulad ng unang talata sa artikulo 14 na nagsasabing ang pagkakulong ay para alamin ang identity o nationality, magkaroon ng travel document o kawalan ng sasakyan o ibang pamamaraan sa ligtas na pagpapauwi.

Ang napabalitang batas ay nagpagulo sa tunay na kahulugan ng atas lalo’t higit sa pagpapatupad ng anim na buwang pagkakulong na ibinatay lamang sa extension na hiniling ng Chief of Police sa hukuman. Kaya nga, ang tanong namin, hindi nga ba dapat na may patunay mula sa hukuman upang maipangtanggol muna ang sarili?

Hindi nga ba’t dapat na igalang ang batas pantao, human dignity at isinasaad ng batas na karapatan ng tao ay makisalamuha sa kapwa tao at lipunan na kung saan ay may magkaibang kultura. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Milan: napadaang Pinay binugbog, patay!

SSS Loan Penalty Condonation Program, Extended na!