in

Pagbibigay ng pekeng pangalan sa isang order of expulsion. Hadlang sa pagkakaroon ng permit to stay?

Ako ay nag-sumite ng request para sa nulla osta ng isang Pilipino. Sa kabutihang palad ay inilabas naman ang nulla osta ng Sportello Unico. Ang Pilipino ay matagal ng nahandito sa Italya. Nagpadala na rin ng request para sa first issuance ng permit to stay para sa trabaho.Siya ay tinawagan na ng Questura para sa fingerprints, ngunit sya ay nag-aalala dahil nakatanggap sya ng order of expulsion sa nakaraan at nagbigay pa ng maling pangalan.

Mapanganib ba ito?Ano ang maaaring mangyari sa permit to stay nya?

altAng mga migrante na dumating sa Italya na may entry visa para sa trabaho, ay pumipirma ng kontrata (contratto di soggiorno) sa Sportello Unico, at nagpapadala sa pamamagitan ng mga post office ng request ng first issuance ng permit to stay gamit ang mga forms na inihanda ng Sportello Unico.

Kasabay sa pagpapadala ng kit, ang operator ay ibinibigay sa migrante ang araw ng kanyang appointment sa Questura para sa fingerprints na kinakailangan sa pagi-isyu ng permit to stay.

Kung ang migrante, dahil sa isang nakaraang order of expulsion, ay nag fingerprints na at nagbigay ng pekeng pangalan, ito ay matutuklasan at maaaring maging hadlang sa pagi-isyu ng permit to stay kahit pa ang Sportello Unico ay nag isyu ng nulla osta.  

Kahit hindi ito mapanganib para sa employer, ang manggagawa ay may pagkakasalang penal, dahil sa pagbibigay ng maling impormasyon sa opisyal ng publiko at pagsisinungaling na nasasad sa art. 496 ng Penal Code na maaaring parusahan ng pagkakabilanggo hanggang isang taon o ng multa ng hanggang sa 516 €.Ang sitwasyon ay magiging mas malubha kung bukod sa pagbibigay ng pekeng pangalan, ang dayuhan ay gumamit din ng mga pekeng papeles tulad ng pasaporte. Sa ganitong kaso, ipapataw ang krimen sa paggamit ng pekeng dokumentasyon (489 pc). Samakatuwid, isang paglilitis na penal laban sa dayuhan na maaaring masentensyahan o mapawalang sala.

Sa parehong mga kaso, gayunpaman, ay kinakailangan ang mga paglilinaw.

Ang artikulo 5 ng unang talata D. ng 286/98 ay nagsasad na maaaring manirahan sa bansa ang mga dayuhang legal na pumasok sa bansa alinsunod sa art. Talata 3 o 4 at hindi isang takot sa kaayusan at seguridad ng bansa, na hindi nahatulan sa mga krimen na binabanggit ng art. 380 talata 1 at 2 ng Penal Code at hindi nahatulan sa mga paglabag tulad ng pagkaka-sangkot sa droga, prostitusyon, ang pakikipagsabwatan sa pagpasok sa mga ilegal na imigrasyon, atbp.

Sa lahat ng mga paglabag, kabilang ang mga inihahain ng Penal Code Procedure (hal. pagnanakaw at pamiminsala) ay walang kinalaman ang krimen ng maling paghahayag at paggamit ng pekeng pangalan. Isang hatol ng ganitong uri ay hindi magpapatunay ng pagiging hadlang sa pag release ng permit to stay.

Ngunit ang problema ay nananatili: ang nulla osta ay ipinagkaloob batay sa maling impormasyon. Ang Questura ay maaaring hindi nagbigay ng positibong opinyon sa releasing ng nulla osta mula sa Sportello Unico kung totoo at tamang pangalan ang ibinigay ng dayuhan at dahil dito ay hindi maaaring ibinigay ang nulla osta upang makapasok ng legal sa Italya.

Ang Questura, kapag natuklasan ang nakaraang deportasyon bukod sa mga nabanggit na mga paglabag, ay maaaring mag isyu ng isang order upang tanggihan ang releasing ng permit to stay.

Maaari ring magbigay ng order of expulsion dahil sa panlilinlang ng isang dayuhan upang makapasok ng Italya. Ito ay tulad ng pag-iwas sa mga kontrol sa mga frontiers;ang pag-iwas ay hindi lamang pagtakas sa kontrol tulad ng mga iligal na pumapasok sa Italya pati na rin ang pagpapawalang bisa sa mga kontrol na may layuning pigilin ang iligal na pagpasok at gamitin ito ng wasto.

Sa puntong ito kailangan maghintay at makita kung paano ang sitwasyon ay mababago. Ang lahat ay nakasalalay sa Questura. Sa pagbibigay ng isang negatibong desisyon at gayun din ng isang order of expulsion, ay maaaring tutulan sa pamamagitan ng remedyong legal, ang pag apila sa Tar at sa Giudice di Pace.
 

Malimit na ang korte ay pinawawalang-bisa ang hatol ng hindi pagbibigay ng permit to stay atisinasaalang-alang ang mga kalagayan ng mga dayuhan tulad ng pagkakaroon ng sapat na mga mapagkukunang ekonomiko, angkop na tirahan at isang regular na kontrata ng trabaho (tar Emilia Romagna Kaso Walang 1524 ng 22.4.08), alinsunod art. 5 talata 5 ng 286/98 na naghahayag ng “Ang permit to stay at ang renewal ay tinatanggihan at kung ang permit to stay ay ibinigay, ito ay babawiin kung mayroong mga kulang sa requirements sa pagpasok o sa panantili sa Italya, maliban sa isinasaad sa Artikulo 22, talata 9, at hindi karagdagang bagong elemento upang pahintulutan ang pagi-isyu nito at na hindi ito tumutukoy sa  administrative irregularities .. pagkukulang. “

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Media, pinagbawalang pumasok sa deportation center

Pag-ibig membership, hindi pa pre requisite para makakuha ng OEC o Exit pass!