in

Paglaban sa Heart disease

Ang heart disease ay sadyang mapanganib, ngunit ang magandang balita rito ay kayang-kaya itong labanan at iwasan. Mayroong iba’t ibang paraan upang ito’y mapigilan.

 

Una sa listahan ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Ang strawberry ay mabisang panlaban dito. Bukod doon ay ang mga isda tulad ng mackerel. Ang antioxidant naman ay mabisang proteksiyon para sa ating puso laban sa mga sakit. Ang mga mani tulad ng walnuts ay epektibo rin. Pati ang pag-inum ng red wine ay mabuti rin sa puso ayon sa mga doctor.

Ilan lang ang mga ito sa pagkaing panlaban sa heart disease. Mas makatutulong pa rin na huwag kumain ng labis-labis at iwasan ang mga pagkaing maaalat at makolesterol tulad ng pritong manok, pritong baboy at iba pa. Makatutulong din ang hindi pag-inum ng malamig na tubig kapag nakakain ng makolesterol. Mabilis kasing patitigasin nito ang taba sa loob ng ating katawan. Isang halimbawa nito ay ang makolesterol na ulam, subukan mo itong ilagay sa refrigerator sa loob ng ilang minuto. Mapapansin na tumigas, namuo at namuti ang kolesterol. Maaaring ganito rin ang mangyayari sa kolesterol sa loob ng ating katawan.

Mag-ehersisyo. Ang paglalakad ang pinaka-sulit, walang bayad at pinakamadaling ehersisyo. Gawin lamang ito ng regular. Maglakad ng ilang minute sa mga parke at huwag sa mga mauusok na lugar. Makabubuting takpan ang ilong kung sakaling hindi maiiwasan ang paglalakad sa mauusok na lugar o kalye. Pinakamabisa ang paglalakad sa umaga para malanghap ang sariwang hangin.

Maaari ring gawin ang intensified training, tulad ng cardio strengthening. Ngunit bago ito gawin ay nararapat na komunsulta muna sa mga doctor upang malaman kung paano ito gagawin ng tama. Maaari kasing maapektuhan ng di maganda ang katawan ng isang tao kung sobra sa kapasidad nito ang gagawing intensified training, tulad ng pagbubuhat ng barbells na mabigat pa sa capacity ng isang tao.

Magandang ehersisyo o aktibidad din ang pagkanta. Mae-ehersisyo kasi nito ang paghinga mula sa baga. Nakatutulong din ito para malabanan ang stress. Ugaliin lamang na kantahin ang mga awiting masasaya at hindi yung malulungkot.

Nariyan din ang pagdya-jogging, pagbibisikleta at paglalangoy na mabisang ehersisyo laban sa heart disease.

Bantayan ang timbang. Ang laki ng tao ay may kapantay na tamang timbang. Kapag lumagpas ang timbang ng tao sa dapat na timbang nito ayon sa kaniyang laki ay maaari itong maging obese.

Tigilan ang paninigarilyo. Kung hindi kayang tigilan ay maaaring bawasan na lamang ito – mga tatlong istik ng sigarilyo lamang sa isang araw ay makatutulong na at kung may pagkakataon ay magpa-check-up tungkol sa kalusugan ng inyong puso. O makabubuting buwan-buwang magtungo sa doctor para matiyak ang kalusugan.

Sa buwang ito ay nararapat nating alamin kung malusog ang ating puso. Hindi na baleng malamig ang inyong Valentine’s day basta’t wala kang heart disease na nararamdaman, kaysa may kasintahan na puro sakit sa ulo at stress ang ibinibigay sa iyo.

Happy Heart’s Day at Happy Heart Awareness Month mula sa FNA-Rome!

ni: Loralaine R. – FNA Rome

Mga Dapat Malaman sa sakit sa puso

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay isang Pilipino: Nasaan ako ngayon, Pasasaan ako Bukas….

Ako ay Pilipino – Io sono Filippino. Che significa essere filippino?