in

Pagpasok sa Italya bilang Entrepreneur

Ako ay isang Pilipino at nais  kong magbukas sa Italya ng isang import-export na negosyo. Nakita ko ang bagong decreto flussi ay para rin sa mga entrepreneurs, paano po ako makakakuhang entry visa?

Roma – Disyembre15, 2012 -Ang visa para sa entrepreneurs ay pinamamahalaan ngTU o  Immigration law (d.lgs.286ng1998), sa Artikulo26 at ng implementino rules (DPR 394 ng 1999) sa Artikulo 39, ay  nagpapahintulot sa pagpasok sa Italya para sa maikli o matagal na pananatili,pansamantala o permanenteng paninirahan, sa dayuhan na nais magbukas ng isang professional activity o negosyo na hindi subordinate, o ang lumikha ng isang korporasyon o ang maging partners.

Ang quota decree

Ang posibilidad na makapasok sa Italya bilang entrepreneurs ay sumasailalim sa pagpapatupad ng Decreto Flussi na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga dayuhang nais magtrabaho sa Italya, subordinate job o self employment man at nagpapahiwatig rin ng mga kategorya ng mga workers na maaaring maging self-employed (halimbawa,sa huling (mini) decreto flussi ay hindi napapaloob ang subordinate job tulad ng domestic workers).
Sa pagtatalaga ng mga quota para sa entrepreneurs o lavoro autonomo, ang procedure na sinusunod ay iba-iba, batay sa uri ng aktibidad na nais ng dayuhan, kung ito ay nangangailangang kabilang sa isang listahan o talaan (Registri o Albi) o hindi.

Mga aktibidad na nangangailangang nakatala sa registri o albi

Sa kasong ang aktibidad na nais gawin ay nangangailangang nakatala sa Registro delle imprese ay nangangailangan ng pagkakaroon ng lisensya o pahintulot, nakatala sa takdang listahan (registro o albo) at ang pagsusumite ng deklarasyon at ng iba pang administrative requirements, ang dayuhan ay kailangang hingin sa competent administrative office, kahit sa pamamagitan ng isang proxy (na mayroong translated at legalized authorization sa Italian embassy ng bansa kung saan residente ang dayuhan, hal sa Pilipinas), ang isang deklarasyon nang hindi pagtataglay ng anumang hadlang sa pagsisimula ng napiling aktibidad.

Kung sakaling hindi naman nangangailangan ng awtorisasyon o partikular na lisensya, ang deklarasyon na hindi nagtataglay ng anumang hadlang ay ibinibigay mismo ng Chamber of Commerce ng lugar kung saan nais simulan ang aktibidad.

Kinakailangan din ang request sa Chamber of Commerce ng deklarasyon ng pagkakaroon ng itinakdang halaga o economic capacity upang simulan ang aktibidad.

Aktibidad na hindi nangangailangang nakatala sa Registri o albi

Kung ang aktibidad ay hindi nangangailangang nakatala sa Registro delle Imprese o Companies Registry Book, at ang aktibidad ay hindi nangangailangan ng anumang lisensya at awtorisasyon upang simulan o ng pagpapatala sa albi, registri o listahan ng mga qualified (hal: counseling activities, na mayroong kontrato na coordinated at continious collaboration) at hindi kinakailangang ang competent Administrative office na magbigay ng deklarasyon o statement at kinakailangan ang mga sumusunod upang magkanoon ng entry visa. 

a) isang angkop na kontrata, kung ito ay pirmado ng isang Italian company, na may sertipiko ng pagpaparehistro sa Registro delle Imprese at kung sakaling isang proxy mula sa ibang bansa, isang natutulad na statement na certified ng Italian embassy sa ibang bansa.

b) kopya ng isang pormal na deklarasyon ng responsibilidad, na ibinigay o ipinadala ng proxy mula sa Italya o ng legal representative sa Direzione provinciale del lavoro, servizio ispezione del lavoro, kung saan mapapatunayan ang kawalan ng anumang subordinate job.

c) kopya ng huling financial report na inihayag sa registro delle imprese, sa kaso ng isang korporasyon, o pinakabagong tax return, sa kaso ng sole proprietorship na nagpapakita ng pinanggalingan ng kinita at kung sapat ito.

Para makapag-aplay para sa isang entry visa, ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng angkop na tirahan, sa pamamagitan ng ownership contract, deklarasyon ng hospitality, gayun din ang pagkakaroon ng sapat na halaga upang masigurado ang ilang pangangailangan. Ang resources na ito ay dapat na mas mataas sa minimum amount na itinakda ng batas para sa exemption sa pagbabayad ng health expenses at maaaring patunayan sa pamamagitan ng bank guarantee, declaration ng sister company o ng legal representative ng kumpanya.

Ang nulla osta buhat sa Questura

Ang mga dokumentasyon na kinakailangan sa pag-aaplay para sa entry visa, ay isusumite sa pamamagitan ng proxy (na nagtataglay ng translated at authenticated authorization ng Italian embassy kung saan residente ang dayuhan) sa Questura na, sa kawalan ng anumang hadlang, ay mag-iisyu naman ng nulla osta (permit) para sa pag-iisyu naman ng entry visa.

Ang aplikasyon para sa nulla osta, na ipapadala sa Questura, ay dapat na naglalakip ng mga dokumentasyon ukol sa aktibidad na sisimulan bilang entrepreneur, permits, declaration o mga statements.

Entry visa

Matapos matanggap ang nulla osta mula sa Questura, ay maaaring mag-aplay para sa entry visa sa Italian embassy. Ang tanggapan, na nakatanggap ng mga requirements kasama ang nulla osta ang magbibigay ng entry visa. Matapos matanggap ang entry visa, ang dayuhan ay maaaring pumasok ng bansa at sa loob ng 8 araw ay maaaring mag-aplay ng first issuance ng permit to stay gamit ang kilalang kit buhat sa mga post offices.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Huling quota decree, kakaunti ang aplikasyon para sa conversion ng permit to stay

Nag-aplay sa huling Regularization? Huwag lumabas ng bansang Italya