in

Pagpasok sa Italya sa pamamagitan ng vocational course o internship, narito ang proseso

Ang 15,000 entries ng inaprubahang dekreto ay kailangang mayroong student o internship visa sa pagpasok sa Italya. Narito ang proseso. 

 

 

Sa pamamagitan ng inaprubahang dekreto noong nakaraang Hulyo ng Ministry of Labor ay pinahihintulutan para sa triennium 2017-2019 ang pagpasok ng 15,000 mga non-EU nationals na residente sa ibang bansa at nagnanais na magpunta ng Italya para sa internship o nais pumasok ng vocational course.

Nasasaad sa dekreto ang 7,500 entries para sa mga dayuhang nais pumasok ng vocational course na layuning magkaroon ng kwalipikasyon o sertipiko ng kurso (hindi hihigit ng 24 na buwan) at iba pang 7,500 entries para naman sa internship para sa pagtatapos ng vocational course. 

Matatandaang ang orihinal na teksto sa Testo Unico per l’Immigrazione ay binigyang susog sa pamamagitan ng Decreto legge 76/2013 sa pagsasabatas nito, mula yearly sa triennium. 

Ang mga dayuhang papasok sa bansa sa pamamagitan ng inaprubahang dekreto ay kailangang nagtataglay ng mga requirements para sa student o internship visa

 

Narito ang proseso

Ang mga nais magpunta ng Italya para sa vocational course ay kailangang mag-aplay ng student o internship visa. Ang aplikasyon ay kailangang isumite sa Italian Embassy sa Pilipinas, partikular sa ‘visa section’

Ang written application sa isang angkop na form ay matatagpuan sa lahat ng mga embassies o konsulado ng Italya ay kailangang sagutan at pirmahan ng dayuhan lakip ang mga dokumentayson na itinalaga para sa visa requirement ng Ministry of Foreign Affairs. 

Kabilang dito ang certificato di iscrizione o kahit ang pre-enrollment form sa napiling kurso: vocational o specialization at dapat na nagmula sa paaralan o institusyon sa Italya kung saan nasasaad din ang oras ng kurso sa isang araw at ang haba nito. 

Samakatwid, ang dayuhan ay kailangang alamin muna ang vocational o specialisation course na nais kunin at alamin kung nagtataglay ng mga requirements na itinalaga ng batas. 

Karaniwang ang paaralan o institusyon ay naglalathala ng public announcement kung saan nasasaad ang lahat ng impormasyong kinakailangan pati ang mga kinakailangang dokumento sa enrollment, ang requirements, duration at programa pati na rin ang anumang internship/apprenticeship sa kumpanya at kumpensasyon dito. 

Ang mga public announcement na inilalathala sa national o local newspapers ay matatagpuan rin sa mga official website ng Assessorati alla Formazione Professionale di Regioni e Provincie at sa mga Agenzie regionali di lavoro.

Mahalaga ring malaman na sa pagtatapos ng kurso o internship, ang mga hawak na permesso di soggiorno per studio o formazione ay maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per motivo di lavoro sa pamamagitan lamang ng decreto flussi. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

15,000 entries para sa vocational courses at internship, aprubado para sa taong 2017/2019

Mga Pinoy, ibinalik ang kalinisan sa villetta Quasimodo sa Messina