in

Pagtatanggal sa trabaho (ikalawang bahagi)

altAng kaparusahan para sa hindi makatarungang pagpapaalis sa trabaho

Ang kaparusahan para sa hindi makatarungang pagpapaalis ay nag-iiba depende kung ang employer ay may  higit sa 15 empleyado o may 15 empleyado lamang.
Kung ang mga empleyado ay higit sa 15, tinatawag itong “real protection” (tutela reale) ng mga manggagawa, na kasama ang pagbabalik sa mga manggagawa sa trabaho at ang sentensya  sa employer na magbayad sa kaukulang pinsala sa mga manggagawa. Ang batas ay nagbibigay sa mga empleyado ng karapatan upang tanggihan ang pagpapabalik sa trabaho o sa dating tungkulin at hihinging kapalit ang isang compensation na katumbas ng 15 buwang kabuuang kabayaran o sahod.
Para sa mas maliit na kompanya (hanggang sa 15 bilang ng empleyado) ang hindi makatarungang pagpapaalis ay papatawan ng mas magaan na kaparusahan, at sa ganitong mga kaso, ay tinatawag na “mandatory protection” (tutela obbligatoria) na nangangahulugan na ang hukom ay ipag-uutos sa employer na tanggaping muli ang mga manggagawa sa loob ng tatlong araw o bayaran ang empleyado ng sapat na halaga. Ito ay nangangahulugan na ang employer ay pipili ng kanyang parusa (pagtanggap muli sa mga empleyado o ang pagbabayad ng kompensasyon) na magiging higit na mabuti para sa kanya.

 

Ang pagbabawal ng pagpapaalis ng mga manggagawa dahil sa kasal at pagiging ina.

Sa Italya ang karapatan sa pagkakabuklod ng pamilya at ang pormasyon ng pamilya ay isang karapatan na kinikilala at protektado ng Saligang Batas. Kaya’t ipinagbabawal ang pagpapaalis sa trabaho ng isang empleyado kung ito ay ikakasal.
Ipinagbabawal din ang pagte-terminate sa mga ama habang tinatanggap nito ang kanyang karapatan sa fatherhood (hanggang sa unang taon ng sanggol)  gayun din ang mga manggagawang babae sa panahon ng pagbubuntis. Ang pagbabawal ng pagpapaalis para sa mga kababaihan na nasa maternity leave mula sa simula ng panahon ng pagbubuntis  hanggang sa ang edad ng isang taon ng sanggol , o sa mga kaso ng natural abortion o ang pagkamatay ng sanggol sa unang tatlong buwan ng kapanganakan. Ang mga ina na na-terminate  sa panahong protektado ng batas ang leave, ay may karapatang ipagpapatuloy ang trabaho sa pamamagitan ng pagsusumite, sa loob ng 90 araw ng pagpapaalis sa trabaho, ng angkop na sertipikasyon upang patunayan ang pagbubuntis.
Sa mga kasong ito, ang pagpapaalis ay walang bisa.

Pagpapaalis dahil sa pagkakasakit

Ang may sakit na manggagawa ay hindi maaaring paalisin sa trabaho. Kung ang manggagawa ay may karamdaman ay sapat ng magpadala ng mga medikal na sertipiko sa employer upang malaman ang sitwasyon at maproteksyunan ang trabaho. Sa ilang mga kaso, gayunpaman, ang sakit ay maaaring maging sanhi ng pagpapaalis sa trabaho. Ang sakit ay maaaring humantong sa isang pagpapaalis bilang “wastong sanhi” kung ang mga manggagawa dahil sa sakit, ay mawalan ng kakayahan upang makumpleto ang  trabaho. Maaaring maging sanhi para sa pagpapaalis kung, pagkatapos ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng isang mediko na susuri, ang empleyado ay hindi matagpuan sa kanyang bahay na walang balidong katwiran. Sa mga kasong ito, gayunman, ay maaaring mas mababa ang mga kaparusahan tulad ng pagpapadala ng sulat ng babala. Ang batas ay nagbibigay din ng sapat na panahon ng sick leave (karaniwan ay itinatag sa kolektibong kasunduan na namamahala sa trabaho), na matapos maabot ang panahong ito ng sick leave ay maaaring maging sanhi ito ng pagpapaalis na maaaring ituring na lehitimo.

Ang proteksyon ng mga dayuhan kapag pina-alis sa trabaho

Ang mga dayuhan sa Italya ay may parehong proteksyon ng mga mamamayang Italyano para sa di-makatarungang pagpapaalis.
Ang EC nationals na natanggal sa  trabaho ay dapat makahanap ng bagong  trabaho upang hindi  mawala ang kinakailangang kita o sahod upang mapanatili ang paninirahan sa Italya.
Ang non EC nationals na may regular na permit to stay, na nawalan ng trabaho ay dapat na iulat ito sa Employment center (Centro per lmpiego) sa loob ng 40 araw mula ng matanggal sa trabaho upang gumawa ng isang deklarasyon ng availability sa isang bagong trabaho. Ang employer ay dapat iulat sa center at sa Sportello Unico  sa loob ng 5 araw matapos ang pagpapaalis o pagbibitiw sa trabaho.  
Para sa mga colf, ang pagkawala ng trabaho ay ipinaaabot sa INPS ang komunikasyon sa pamamagitan ng isang form na matatgpuan sa www.inps.it.Ang mga dayuhan na nawalan ng trabaho, matapos ang deklarasyon ng availability sa trabaho ay maaaring mag-aplay para sa isang permit to stay per attesa occupazione na may validity ng anim na buwan, sa mga tanggapan ng imigrasyon (Questura). Maaari ring makatanggap ng mga benepisyo sa pagkawala ng trabaho kung may sapat na mga requirements.
Ang permit to stay ng mga dayuhan na natanggal o nag-resign sa trabaho ay valid hanggang sa expiry nito. Sa loob ng panahong ito, gayunpaman, ang mga dayuhan ay dapat na makahanap ng bagong trabaho,  kung hindi, ang permit to stay ay maaaring hindi na ma-renew, o matapos ang registration sa employemnt center  ay maaaring ma-renew (attesa occupazione) na may anim na buwan lamang na validity.

Ang mga dayuhang manggagawa na hindi regular sa permit to stay (o walang permit to stay) na natanggal sa trabaho ay hindi maaaring magkaroon ng permit to stay o hindi maaaring magkaroon ng karapatan upang mabalik muli sa trabaho. Ang karapatan ng manggagawa sa mga ganitong kaso ay matanggap ang kaukulang  suweldo at sustento, ayon sa kolektibong kasunduan, na maaaring hingin sa pamamagitan ng isang abogado . Ang mga manggagawa sa katunayan, kahit iligal, ay may karapatan na mabayaran at may karapatan ayon sa pambansang kontrata.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maroni, dahilan ng kaunting mixed marriages

Palace website inverted the PH flag