in

Partita IVA at Subordinate Contract: Timbangin ang mga Benepisyo at Obligasyon

Ang isang worker sa Italya na may tuluy-tuloy at hindi pansamantalang trabaho ay malayang magbukas ng sariling Partita IVA gamit ang partikular na code. Para sa mga colf ay Ateco code 96.09.09. Ang pagkakaroon ng Partita IVA ay may ilang benepisyo, ngunit may mga bagay ding dapat isaalang-alang.

Narito ang mga pangunahing advantage ng pagkakaroon ng Partita IVA hindi para sa mga colf, babysitter o caregiver at ibang sektor sa Italya.

Flexibility sa Trabaho

Sa pagkakaroon ng sariling Partita IVA, ang worker ay itinuturing na self-employed o freelancer. Hindi nakatali sa isang employer at mas malayang pumili ng employer/ kliyente. Ang worker ang may kontrol sa sariling schedule – maaaring ayusin ito batay sa personal na pangangailangan. Puwedeng magdesisyon kung kailan at saan magtatrabaho, at walang pangmatagalang obligasyon sa isang employer. Kung nais baguhin ang oras o dami ng trabaho, mas madali ito dahil isang independent worker.

Posibilidad ng Mas Mataas na Kita

Dahil self-employed, pwedeng magtakda ng sariling taripa para sa bawat serbisyo. Kung mataas ang demand sa serbisyo, may posibilidad na kumita ng mas malaki kumpara sa isang regular na empleyado. Walang limitasyon sa dami ng mga kliyente o trabaho na maaaring kunin, kaya’t malayang mapapalaki ang kita ayon sa kakayahan at schedule.

Pamamahala ng Sariling Gastusin at Kontribusyon

Bilang may-ari ng Partita IVA, maaaring makapag-claim ng mga deductions sa buwis para sa mga gastusing nauugnay sa trabaho tulad ng transportasyon at mga kagamitan. Ngunit dapat din tandan ang mga responsibilidad na kaakibat nito. Ang worker ang responsable sa pagbabayad ng mga buwis at mga kontribusyon sa INPS. Dapat magbayad para sa sariling pensyon at benepisyo. Bukod dito, hindi tulad ng mga may subordinate contract, walang sick leave, bayad na bakasyon, o mga benepisyo tulad ng sa isang empleyado.

Mga Benepisyo ng Pagiging Subordinate Worker

Para naman sa mga pinipiling magkaroon ng subordinate contract sa ilalim ng CCNL Lavoro Domestico, may mga benepisyong kasama tulad ng:

  • Bayad na bakasyon (ferie retribuite);
  • Bayad na oras ng pagkakasakit (malattia pagata);
  • Mga kontribusyon para sa pensyon na binabayaran ng employer;
  • Disoccupazione o unemployment benefito.

Bukod pa rito, ang employer ang may responsibilidad sa pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng 13th month pay, separation pay (TFR), at ang Certificazione Unica (CU) para sa tamang deklarasyon ng kita sa buwis.

Sistema ng Partita IVA sa Italya

Maliban sa mga nais magkaroon ng sariling business, kadalasan na ang mga Cooperativa o Agency ang nagmumungkahi sa mga workers na magbukas ng Partita IVA at magkaroon ng kontrata sa kanila sa halip na direkta sa mga employers.

Tandaan na, may ilang negatibong epekto ito. Maaaring mas mababa ang matatanggap na sahod kaysa sa dapat na matanggap, may mataas na buwis na dapat bayaran at ang mga employer ay napipilitang pirmahan ang mga kontratang may mabibigat na kondisyon para sa eksklusibong serbisyo ng agency.

Gayunpaman, HINDI naman laging ganito ang sitwasyon. May mga Cooperativa at Agency din na nagbibigay ng maayos na kondisyon sa mga manggagawa. Ang susi ay suriing mabuti ang kontrata at tiyaking ito ay akma sa sariling mga pangangailangan. Mahalagang timbangin ang parehong nabanggit bago magdesisyon kung alin ang mas angkop para sa sarili.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

IT Wallet, ang Bagong Digital App sa Italya. Ano ang gamit nito?

BASKETBALLERS nasa Season 3 League na!