in

Permesso di soggiorno per assistenza minore, ano ito at sino ang maaaring mag-aplay nito?

Ang permesso di soggiorno per assistenza minori ay ibinibigay sa mga miyembro ng pamilya ng menor de edad na nasa Italya, sa pahintulot ng Juvenile Court. Ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ay nagpapahintulot makapagtatrabaho at maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per lavoro sa expiration nito. 

Sa artikulo 31 talata 3 ng Legislative Decree 286/1998 ay nasasaad na ang mga miyembro ng pamilya ng menor de edad na walang permesso di soggiorno ay maaaring mag-aplay sa Juvenile Court ng isang espesyal na awtorisasyon upang makapasok o manatili sa bansa para sa isang takdang panahon.

Samakatuwid, ayon sa Testo Unico, ang hukuman ay maaaring mag-isyu ng permesso di soggiorno per assistenza minori para sa mabigat na dahilang konektado sa psychophysical development kung saan isinasaalang-alang ang edad at kalusugan ng menor de edad. Layunin nito ang sama-samang pamumuhay ng pamilya para sa ikabubuti ng menor de edad.

Sino ang maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno per assistenza minori?

Ang permesso di soggiorno per assistenza minori ay maaaring i-aplay ng mga magulang ng dayuhang anak na nasa Italya, kahit walang regular na permesso di soggiorno. Gayunpaman, mahalagang malaman na ang pananatili ng mga magulang sa bansa ay dapat na nakakatulong sa pag-aalaga at edukasyon ng menor de edad.

Sa madaling salita, kung ang magulang ay hindi inaalagaan ang sariling anak, at ang presensya sa Italya ay hindi mahalaga para sa paglaki ng bata, ay walang anumang karapatang mabigyan ng permesso di soggiorno. 

Mga requirements sa pag-aaplay permesso di soggiorno per assistenza minori

Una sa lahat ay kailangan ang pagkakaroon ng mabigat na dahilan na konektado sa psycho-physical development ng menor de edad.

Ano ang ibig sabihin ng mabigat na dahilan?

Mahalaga ang edad ng bata at samakatuwid ang isang posibleng pagpapatalsik o expulsion sa dayuhang magulang ay maaaring makapinsala sa paglaki ng bata.

Ayon sa Court of Cassation, ang hukom sa pagpapasya kung magbibigay o hindi ng permesso di soggiorno per assistenza minori, ay kailangang isaalang-alang ang ‘inclusion’ ng pamilya sa bansa at ang psychophysical disturbance na posibleng pagdaanan ng menor de edad sakaling humantong sa pwersahang pagkakahiwalay sa parehong magulang. 

Mga kinakailangang dokumento

  • kopya ng pasaporte ng mga magulang at ng buong pamilya;
  • kopya ng stato di famiglia;
  • kopya ng birth certificate ng menor de edad;
  • kopya ng school certificate ng menor de edad;
  • kopya ng mga medical certificate ng menor de edad (halimbawa, kopya ng booklet ng obligatory vaccination);
  • kopya ng employment contract ng magulang o kopya ng commitment declaration ng employer para sa hiring ng magulang ng menor de edad;
  • kopya ng nag-expired na permesso di soggiorno; 
  • kopya ng kontrata sa bahay o ang accommodation/hospitality declaration. 

Saan mag-aaplay ng permesso di soggiorno per assistenza minori?

Ang aplikasyon ay maaaring gawin ng mga magulang sa Cancelleria civile del Tribunale dei minorenni. Hindi kailangan ang i-assist ng isang abugado. Gayunpaman, ang isang dalubhasang abugado ay maingat na masusuri ang pagkakaroon ng mga requirements at upang maiwasan ang panganib na mabigyan ng order of espulsion. 

Magagamit ba sa pagta-trabaho ang permesso di soggiorno per assistenza minori?

Ang permesso di soggiorno per assistenza minori ay nagpapahintulot na makapag-trabaho.

Bukod dito, sa bagong Decreto Immigrazione 2020, ang permesso di soggiorno per assistenza minori ay maaaring i-convert sa permesso per motivo di lavoro bago ang expiration nito. At makalipas ang limang taon, ay maaring makapag-aplay ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti. 

Gaano katagal ang validity ng permesso di soggiorno per assistenza minori?

Karaniwang ang validity ng permesso di soggiorno per assistenza minori ay dalawang taon. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

caregivers

Employers, makakatanggap ng Bonus para sa hiring ng mga colf at caregivers

Simpleng Paraan para Mabawasan ang Nadagdag na Timbang Nitong Pasko