in

Permesso di soggiorno per residenza elettiva, ano ito?

Ang mga non-EU nationals na kayang suportahan ang sariling pangangailangan na hindi kailangan ang mag-trabaho, mayroong permit to stay na ang validity ay hindi bababa sa 1 taon (trabaho, pam-pamilya at iba pa) at hindi na kwalipikado sa renewal ng nasabing dokumento dahil sa kawalan ng mga requirements nito, ay maaaring mag-request ng conversion sa permesso di soggiorno per residenza elettiva.

Ang ganitong uri ng permit to stay, batay sa artikulo 11 ng DPR 394/99, ay palaging ipinagkakaloob sa non-EU national na mayroong sapat na kakayahang pinansyal.

Ito ay tumutukoy sa isang malaki, matatag at regular na kakayahang pinansyal, na magpapatuloy sa matagal na panahon tulad ng pensyon o anumang kinikilala ng italian authority tulad ng retirementsocial security allowance, invalidity at ibapa); renta o upa sa ilang ari-arian.

Kahit na ang asawang kapisan, anak na menor de edad o hindi na kapisan at dependent ng aplikante ay may karapatan sa permesso di soggiorno per residenza elettiva.  

Ang pagsusuri sa aplikasyon sa pagkakaroon ng sapat na kakayahang pinansyal para matustusan ang sarili at ang mga miyembro ng pamilya ay nasa kamay ng awtoridad (Questura).

Ang pagkakaroon ng pensyon, samakatwid, ay kumakatawan bilang isang mahalagang mapagkukunang pinansyal upang magkaroon ng permesso di soggiorno per residenza elettiva at magpapahintulot upang maisumite ang aplikasyon ng conversion mula sa permit na hawak sa residenza elettiva.

Ang aplikasyon ay isinusumite gamit ang angkop na kit na ipapadala sa pamamagitan ng Sportello Amico ng Poste Italiane. Bukod sa form 1 at 2, kailangang ilakip ang kopya ng pasaporte, permit to stay na mage-expire at ang lahat ng dokumentasyon na nagpapatunay ng mapagkukunang pinansyal at patunay ng pagkakaroon ng tirahan. Bukod sa selyo o marca da bollo na €16, ang aplikante ay dapat bayaran ang insured mail, € 30. Ang operator ay magbibigay ng resibo na magpapatunay ng pagsusumite ng aplikasyon ng conversion at magsisilbing balidong dokumento sa pananatili sa Italya. Bukod dito, ang operator ay ibibigay sa aplikante ang petsa at oras ng appoitment sa Questura para sa fingerprinting.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pag-aalaga ng Pet, kasama ba sa trabaho ng mga colf?

Bakuna kontra Covid19 sa mga bansa sa Europa, narito ang mga datos