Ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti (ang dating carta di soggiorno) ay maaaring i-aplay makalipas ang limang (5) taong regular na paninirahan sa Italya. Ito ay may validity na 10 taon.
Ang permesso di soggiorno UE ay nagpapahintulot na:
- Makapasok sa mga Schengen countries hanggang 3 buwan (kailangang gawin ang Declaration of Presence);
- Makapag-trabaho o makapag-aral sa ibang Euroepan countries, sa pamamagitan ng angkop na awtorisasyon;
- Matanggap ang lahat ng mga welfare assistance at social security;
Ano ang validity ng permesso di soggiorno UE?
Ang Batas 23 ng December 2021 bilang 238, na nagkabisa noong Feb 1, 2022 ay nagbigay susog sa maraming bagay ukol sa permesso di soggiorno UE.
Ayon sa bagong batas, ang validity ng permesso di soggiorno UE ay sampung (10) taon at maaaring i-aplay ang renewal sa pamamagitan ng kit psotale at bagong ID picture.
Ito ay nasasaad din sa Circular n Ministry of Interior bilang 400/C/2021 ng Feb 23, 2021, kung saan nilinaw na ang mga bagong permesso di soggiorno UE ay balido ng sampung (10) taon para sa mga adults at limang (5) taon naman para sa mga minors.
Sino ang maaaring mag-apaly ng permesso di soggiorno UE 2023?
- Ang sinumang regular na naninirahan sa Italya na hindi bababa sa limang taon ay maaaring mag-apaly ng permesso di soggiorno UE. Ang paglabas ng Italya ay hindi nakaka-apekto sa kalkulasyon ng limang taon kung ito ay mas mababa sa anim (6) na buwang tuluy-tuloy at hindi lalampas sa sampung (10) buwan sa loob ng limang taon, maliban na lamang kung mapapatunayan na ito ay dahil sa kalusugan.
- Ang sinumang may sahod na hindi mas mababa sa halaga ng assegno sociale o social allowance.
- Ang sinumang may kaalaman sa wikang italyano na A2 level.
- Ang sinumang mayroong sertipiko sa pagkakaroon ng angkop na tirahan o ang idoneità alloggiativa.
- Ang sinumang residente sa isa sa mga Comune ng Italya sa panahon ng aplikasyon.
Sino ang mga hindi maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno UE?
Ang mga mayroon ng sumusunod na uri ng permesso di soggiorno ay hindi maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno UE:
- Permesso di soggiorno per motivo di studio o formazione professionale;
- Asilo;
- Cure mediche;
- Protezione sociale;
- Calamità;
- Per vittime di violenza domestica;
- Per sfruttamento lavorativo;
- Atti di particolare valore civile;
- Per protezione umanitaria/speciale.
Samakatwid, ang mga hindi nabanngit na uri ng permesso di soggiorno ay maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno UE.
Anu-ano ang mga dokumentasyong kinakailangang sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno UE?
- Kopya ng pasaporte;
- Kopya ng huling permesso di soggiorno;
- Kopya ng salary declaration o dichiarazione dei redditi;
- No police record and no pending charges certificate (batay sa Comune kung saan residente);
- Kopya ng pay slip o busta paga;
- O para sa mga colf: Comunicazione di assunzione sa INPS, Huling 3 bollettining kontribusyon sa INPS at Self-certification mula sa employer, sa form S3, ukol sa pagta-trabaho ng colf at ang monthly salary nito;
- Kopya ng balidong ID na may lagda ng employer;
- Kopya ng dokumento na nagpapatunay ng residence o family composition certificate;
- Kopya ng A2 level Italian language certificate;
- Sertipiko sa pagkakaroon ng angkop na tirahan o ang idoneità alloggiativa.
Ano ang salary requirement para sa aplikasyon ng permesso di soggiorno UE 2023?
Sa pag-aaplay ng permesso UE, ay kailangan ang pagkakaroon ng taunang sahod na hindi bababa sa halaga ng assegno sociale o social allowance na para sa taong 2023, € 503,27 kada buwan sa loob ng 13 buwan o € 6.542,51 sa buong taon.
Ito ay maaaring i-aplay din para sa bawat miyembro ng pamilya at ang halagang huling nabanggit ay nadadagdagan ng 50%.
Samakatwid:
- €9813,76 para sa 1 miyembro ng pamilya kahit na wala pang 14;
- €13.0858,02 para sa 2 miyembro ng pamilya;
- €16.356,27 para sa 3 miyembro ng pamilya.
Paano gagawin ang aplikasyon ng permesso di soggiorno UE?
Ang aplikasyon ng permesso di soggiorno UE ay gagawin sa pamamagitan ng pagsusumite ng kit postale sa italian post office.
Maaari ring lumapit sa mga pinagkakatiwalaang Patronato.
Ano ang halaga ng aplikasyon ng permesso di soggiorno UE 2023?
Ang kabuuang halaga ng permesso di soggiorno UE ay € 176,46.
- € 100,00 kontribusyon para sa aplikasyon ng permesso di soggiorno UE;
- € 30,00 halagang dapat bayaran sa pagpapadala ng kit postale sa post office;
- € 16,00 halaga ng marca da bollo;
- € 30,46 halaga para sa releasing ng electronic permesso di soggiorno UE na ilalagay sa conto corrente postale 67422402 sa Ministero dell’Economia e delle Finanza – Dipartimento del Tesoro at ilalagay ang “importo per rilascio del permesso di soggiorno elettronico”.
Samakatwid, 100 + 30 + 16 + 30,46 = € 176, 46
Ang resibo ng halagang pinagbayaran ay kailangang itago at iprisinta sa Questura sa araw ng finger printing.
Basahin din:
- Alamin ang pagkakaiba ng Carta di Soggiorno at Permesso UE per lungo soggiornanti. Kailan dapat gawin ang Aggiornamento?
- Permesso di soggiorno CE at permesso di soggiorno UE, ano ang pagkakaiba?