in

Philippine driver’s license, maaaring gamitin sa pagmamaneho sa Italya? Kailan ito dapat i-convert?

Magandang araw. Ako po ay isang Pilipino at kadarating ko lamang sa Italya. Ako ay mayroong driver’s license buhat sa Pilipinas, maaari ko ba itong gamitin sa pagmamaneho sa Italya? 

Ang mga non-EU nationals, kabilang ang mga Pilipino, na mayroong driver’s license na inisyu sa non-EU country, ay maaaring magmaneho at gamitin ang balidong driver’s license na hawak hanggang isang taon, matapos maging residente sa Italya. Mahalagang ang lisensyang hawak ay mayroong sworn translation (o certified translation) dahil ang kawalan nito, ayon sa Highway Code, ay mamumultahan mula 400 hanggang 1.600 euros.

Pagkalipas ng panahong nabanggit upang makapagpatala sa Comune, ang Pilipino ay kailangang magkaroon ng Italian driver’s license upang makapag-maneho sa bansa. Nasasaad ang parehong parusa sa sinumang nagmamaneho na mayroong expired Italian driver’s license o ang pagpapawalang-bisa dito at isang multa na nagkakahalaga mula 168 hanggang 674 euros.

Kailan maaaring gawin ang conversion ng driver’s license 

Mayroong mga bansang pumirma ng bilateral agreement sa Italian government ukol dito. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga ito. At samakatwid, ang mga Pilipino ay maaaring gawin ang conversion ng balidong lisensya sa Italian driver’s license ng hindi sasailalim sa theory at practical test. Mahalagang balido ang lisensya sa conversion nito.

Gayunpaman, ay ipinapayong suriin ang mga kundisyong nasasad sa kasunduan at humingi ng mga mahahalagang impormasyon sa Motorizzazione Civile na sumsakop sa tahanan dahil ang talaan ng mga bansa ay maaaring magkaroon ng mga pagbabago at maaaring ang ilang kasunduan ay hindi na balido.

Paraan at kundisyon ng conversion

Ang aplikasyon ng conversion ay kailangang gawin ng owner ng foreign driver’s license sa tanggapan ng Motorizzazione na sumusakop sa tirahan, gamit ang form TT 2112.

May kabayaran ito, halagang €10.20 sa conto corrente 9001 at € 32.00 sa conto corrente 4028, gamit ang postal bill na matatagpuan sa mga post offices at Motorizzazione.

Kailangang ilakip sa aplikasyon ang kopya (harap at likod) ng lisensya at 2 ID picture, kung saan ang isa nito ay authenticated, isang medical certificate (in bollo) na mayroon ding ID picture (kasama ang kopya nito) buhat sa authorized doctor.

Ang aplikasyon ay maaari lamang gawin kung balido pa ang lisensya.

Tandaan na kailangan ding magsumite ng kopya ng dokumento na mayroong stamp at ang translation ng datos ng foreign license. Ang translation ay kailangang authenticated sa embahada o konsulado at legalized sa Prefecture.

Matapos ang pagsusumite ng aplikasyon ay gagawin ang kinakailangang pagsusuri ng Motorizzazione ukol sa mga dokumentasyong inilakip sa aplikasyon ng conversion.

Pagkatapos nito ay ibibigay sa aplikante ang italian license at kukunin ang foreign license.

Samantala, kung ang driver’s license ng isang Pilipino ay inisyu sa bansang hindi kabilang sa mga pumirma sa kasunduan, ang Pilipino ay obligadong sumasailalim sa parehong prosesong pinagdadaanan ng mga Italians upang magkaroon ng lisensya.

Ipinapaalala na ang aplikasyon para sa issuance ng driver’s license ay maaari ring isumite ng dayuhan habang naghihintay ng first issuance ng permit to stay o renewal nito.

Matapos ang pagsasailalim sa theory at practical exam, ibibigay ng tanggapan ang italian driver’s license sa aplikante at kukunin ang lisensyang hawak nito upang ibalik sa konsulado ng bansang nag-isyu nito.

Driver’s license na inisyu sa EU countries

Ang mga Pilipinong mayroong driver’s license na inisyu naman sa isa sa mga bansa ng EU ay maaaring magmaneho ng hindi kinakailangan ang conversion nito pagkalipas ng isang taon matapos magkaroon ng residence sa Italya. Kung ang lisensya ay walang expiration, ay kailangan ang conversion nito makalipas ang 2 taon mula sa pagiging residente sa bansa. Gayunpaman, ipinapayo na gawin ang conversion ng balidong driver’s license upang maging mas madali ang renewal o ang paghingi ng duplicate nito kung kinakailangan.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA PAGSUSURI NG DUGO

Ako ay may carta di soggiorno. Gaano katagal ako maaaring manatili sa labas ng bansang Italya?