in

Prova o probation period sa domestic job, paano at gaano katagal?

Ang probation period o ang tinatawag sa wikang italyano na ‘prova’ ay nasasaad sa batas, partikular sa CCNL sa domestic jobs at samakatwid, ito ay ipinatutupad sa mga colf, caregivers at babysitters

Una sa lahat ay mahalagang linawin na ang employer ay kailangang gawin ang comunicazione di assunzione sa Inps, online o sa pamamagitan ng contact centerkahit pa nais nito na sumailalim ang colf sa prova. 

Ang rapporto di lavoro ay nagsisimula sa unang araw matapos gawin ang komunikasyon. Sa parehong araw ay nagsisimula rin ang lahat ng obligasyon at karapatang nasasaad sa batas tulad ng bakasyon, suweldo at ibapa. Sa katunayan, ang colf na nasa probation period ay may karapatan at obligasyon katumbas ng colf na may regular na kontrata at regular na sahod.

Tandaan na sa panahon ng prova, ang colf at ang employer ay may karapatan parehong tapusin ang kontrata nang walang abiso at garantisado pa rin ang karapatan ng colf na matanggap ang sahod sa ginawang serbisyo. 

Ang serbisyo ng colf sa panahon ng prova ay kabilang sa kalkulasyon ng anzianità o seniority bonus at sa araw ng bakasyon o ferie.

Gaano katagal ang prova o probation period sa domestic job

Ang panahon ng prova ay batay sa antas ng trabaho ng worker.

Halimbawa: Para sa mga manggagawang nasa antas D o D super (caregiver) ang panahon ng prova ay tumatagal sa 30 araw, samantala 8 araw naman para sa mga nasa ibang antas.

Sa panahon ng prova ay kailangang tanggalin ang lahat ng uri ng pagliban tulad ng sick leave dahil kailangang bilangin ang araw ng ipinag-trabaho ng worker. Halimbawa, para sa isang colf na nagta-trabaho sa alternatibong araw, tatlong araw sa isang linggo, sa kalkulasyon ng 8 araw na prova ay hindi kasama ang mga araw na hindi ipinasok sa trabaho.

Ang panahon ng prova ay dapat na nakasulat sa lettera di assunzione at kailangang sundin ang maximum na araw ng probation period na nasasaad sa CCNL. Tandaan na habang nasa probation period ang parehong partes (employer at worker) ay maaaring tapusin ang kasunduan, anumang oras, nang walang anumang obligasyon ng preavviso o abiso. 

Kung sa pagtatapos ng probation period, ang colf ay walang natanggap na anumang komunikasyon, ang hiring o assunzione ay awtomatikong kumpirmado. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Gaano katagal ang validity ng Green Pass?

Dalawang Pilipina, kandidato bilang Konsehal sa Inzago Milan