in

Quattordicesima o 14th month pay, sino ang nakakatanggap? Paano ito kinakalkula? 

Sa pagitan ng buwan Hunyo at Hulyo, isang buwang karagdagang sahod ang natatanggap ng maraming manggagawa sa Italya, bukod pa sa 13th month pay na natatanggap sa pagtatapos ng taon. Ito ay ang 14th month pay o quattordicesima sa wikang italyano para sa mga nagtatrabaho sa mga kumpanya. Ito ay humigit kumulang na katumbas ng halaga ng huling suweldo.

Ang 14th month pay ay itinuturing na vacation bonus habang ang 13th month pay naman ay ang Christmas bonus. 

14th month pay, sino ang nakakatanggap?

Hindi katulad ng 13th month pay, ito ay hindi para sa lahat ng manggagawa dahil ito ay pinamamahalaan ng Contratto Collettivo o Collective Labor Agreement. 

Samakatwid, dapat tandaan na ang 14th month pay ay eksklusibong nakalaan sa ilang Contratto Collettivo ng pribadong sektor at tanging ang mga nagtatrabaho lamang sa sektor ng komersyo ang makakatanggap nito. Ito ay hindi natatanggap ng mga public employees.

Narito ang ilang sektor na may contratto collettivo na siguradong nakakatanggp ng 14th month pay (sa loob ng 985 na sektor)

  • trade and tourism;
  • food;
  • chemical;
  • cleaning and multiservices;
  • road haulage and logistics.
  • private pharmacy employees, 
  • employees of the Italian Post Office 
  • private security and trustee services employees at iba pa.

Hindi naman nakakatanggap ng 14th month pay ang mga domestic workers, metalworkers, bankers at mga textile workers. 

14th month pay, paano kinakalkula?

Ang 14th month pay ay karaniwang katumbas 1/12 ng kabuuang taunang suweldo sa mga nakapag-trabaho ng 12 buwan. Kung hindi, ang halaga nito ay nababawasan batay sa buwang hindi ipinagtrabaho. 

Ang karaniwang batayang panahon ay mula July 1 hanggang June 30 ng kasalukyang taon. 

Narito ang formula para sa kalkulasyon ng 14th month pay

(monthly gross income X bilang ng buwan ng trabaho)/12 – bilang ng buwan sa 1 taon

Halimbawa: 

Kung ang isang employado ay nagsimulang magtrabaho ng July 1, 2022 hanggang June 30, 2023, ang kalkulasyon ay:

€1300,00 X 12 buwan ng trabaho/12 buwan.

Samakatwid, ang halaga ng 14th month pay ay €1300,00 na katubas ng isang buwang sahod. 

Samantala para sa isang employee na nagtrabaho simula February 1 hanggang June 30, 2023, ang kalkulasyon ay:

€1300,00 X 5 buwang trabaho)/12 buwan. 

Ang halaga ng 14th month pay ay € 541,67. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Hiring ng mga Colf e Badanti sa Italya, mas pinadali ng INPS

Kalayaan 2023, sinumulan sa pagpupugay kay Dr. Jose Rizal