Simula ngayong araw, April 7, hanggang sa katapusan ng buwan, April 30, 2021 ay maaaring magsumite ng aplikasyon ng Reddito di Emergenza 2021, na kinumpirma ng Decreto Sostegno.
Narito kung anu-ano ang mga requirements at paano mag-aplay.
Reddito di Emergenza 2021, anu-ano ang mga requirements
Tulad ng nasasaad sa website ng Inps, upang matanggap ang Reddito di Emergenza 2021 ay nangangailangan ng ilang mga requirements. Ito ang magpapahintulot sa pamilya na may pangangailangang pinansyal ang matanggap para sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo ang halagang mula € 400,00 kada buwan.
- Ang sahod sa buwan ng Pebrero 2021 ay mas mababa kaysa sa halaga ng REM na mula €400 hanggang €800 batay sa laki ng pamilya. Para sa mga nangungupahan, ang pamantayan ng sahod upang matanggap ang REM ay tumataas ng 1/12 ng yearly amount ng upa, tulad ng nasasaad sa ISEE,
- Residente sa Italya,
- Sa taong 2020 ang real estate assets ay mas mababa sa €10,000. Ito ay nadadagdagan ng € 5,000 para sa bawat miyembro ng pamilya maliban sa aplikante, hanggang sa isang maximum na €20,000. Ito ay may karagdagang €5,000 sa kasong mayroong may kapansanan o non self-sufficient.
- ISEE na hindi lalampas sa € 15,000,
- Walang ibang miyembro ng pamilya ang tumatanggap o tumanggap ng anumang ayuda covid19 ng decreto sostegno.
Bukod dito, ang REM ay nakalaan din sa mga natapos na ang pagtanggap ng unemployment benefit o Naspi at DIS-COLL, simula noong July 1, 2020 hanggang Feb. 28, 2021, at mayroong balidong ISEE (ordinario o corrente) na hindi lalampas sa €30,000.
Reddito di Emergenza 2021, paano magsusumite ng aplikasyon
Ang aplikasyon ng REM 2021 ay maaaring isumite online sa Inps simula ngayong araw, April 7 hanggang April 30. Maaaring sa pamamagitan ng:
Ipinapaalala na ang benepisyo ay hindi matatanggap sa pagtanggap ng ibang ayuda ng Covid19, kung tumatanggap ng pensyon, direkta man o hindi. Maliban sa assegno ordinario di invalidità at invalidità civile. Bukod dito, hindi ito maaaring matanggap kung may lavoro dipendente, na ang kabuuang sahod ay mas mataas sa pamantayang sahod ng REM. Sa wakas, hindi rin ito matatanggap kasabay ng pagtanggap ng Reddito o Pensione di Cittadinanza. (stranieriinitalia.it)