in

Regularization at International Protection, paglilinaw mula sa Ministry of Interior

Sa isang bagong Circular ng June 19, 2020 ay nagbigay ng paglilinaw ang Ministry of Interior ukol sa permesso di soggiorno hatid ng Regularization at ang proseso sa pagkilala ng international protection.

Para sa unang proseso – comma 1 – ng artikulo 103 sa Sportello Unico Immigrazione

Ang asylum seeker, na sa pamamagitan ng employer ay nagsumite ng aplikasyon para sa Regularization o Emersione, ay kailangang alam ang posibilidad na maaaring HINDI iatras o pawalang-bisa ang proseso ng international protection. 

Ang asylum seeker, sa puntong ito ay may dalawang posibilidad:

  1. Kung ang dayuhan ay magdesisyon na HINDI iatras ang aplikasyon ng international protection, ang proseso ng emersione ay magpapatuloy at sa oras na pirmahan ang ‘contratto di soggiorno’, ang dayuhan ay matatanggap ang permesso di soggiorno per lavoro subordinato CARTACEO, balido sa buong bansa.
  2. Kung ang dayuhan naman ay magdesisiyon na IATRAS ang proseso sa pagkakaroon ng international protection, at maging matagumpay  ang aplikasyon ng Regularization o Emersione, ang dayuhan ay makakatanggap ng permesso di soggiorno per lavoro subrdinato ELETTRONICO.

Para naman sa ikalawang proseso – comma 2 – ng artikulo 103 para sa aplikasyon ng permesso di soggiorno temporaneo

  1. Ito ay tumutukoy sa mga aplikante na may permesso di soggiorno na nag-expired hanggang Oct. 31, 2019;
  2. Ang mga aplikante ng international protection, ay may karapatang manatili sa bansa hanggang sa panahong magdesisyon ang Commissione Territoriale. Dahil dito, ang kanilang hawak na permesso di soggiorno ay balido hanggang sa panahong nabanggit na taliwas naman sa aplikasyon sa pamamagitan ng ikawalang prosesong nabanggit.
  3. Ang validity ng mga permit to stay na hawak ng mga asylum seeker ay extended hanggang Oct. 31, 2020, para sa mga hindi nagkaroon ng pagkakataong gawin ang renewal ng nasabing dokumento dahil sa lockdown. Gayunpaman, maaaring isaalang-alang, kahit pa extended, na ang hawak na dokumento ay expired na at maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno temporaneo. 
  4. Ang mga aplikasyon ng Emersione para sa dalawang prosesong nabanggit, na ang mga permit to stay ng may validity extension ay kailangang tanggapin at i-proseso. (Federica Merlo)

Kung kailangang MAKATANGGAP agad ng sagot sa iyong mga alinlangan ukol sa application ng REGULARIZATION/SANATORIA, i-download ang Migreat App, magtanong at makakatanggap ng sagot LIBRE mula sa mga eksperto ng Stanieri sa Italia. Maaaring i-download ang Migreat App dito:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mi.great

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

134,358 workers, hindi pa nakakatanggap ng Cassa Integrazione

Ako Ay Pilipino

Naisumite na ang aplikasyon ng Regularization. Ano ang susunod na dapat gawin?