Ang mga rejected na aplikasyon ng bonus colf e badante ay maaaring ipasuri muli. Matatagpuan ang instruction sa Message n. 2715 ng July 7, 2020 mula sa Inps.
Nasasaad sa DL Rilancio na ang mga domestic workers na hindi naka live-in sa mga employers at may regular na employment contract sa petsa ng Feb 23, 2020, ay makakatanggap ng € 500 para sa mga buwan ng Abril at Mayo.
Ang mga aplikante na tinanggihan o rejected ang aplikasyon upang makatanggap ng kabuuang halaga ng bonus – € 1000 – ngunit sa para sa kanila ay kwalipikado, ay maaaring ipasuri muli ang aplikasyon sa Inps.
Rejected ang bonus colf e badante, narito ang dapat gawin
Ang resulta ng aplikasyon ng bonus colf e badante ay ipinapa-alam sa mga aplikante sa pamamagitan ng SMS o text message. Maaari ring konsultahin ang website ng Inps, upang makita ang resulta ng aplikasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- PIN ordinario o dispositivo mula sa Inps;
- SPID;
- Carta d’Identità Elettronica (CIE);
- Carta Nazionale dei Servizi (CNS).
Sa pamamagitan ng parehong proseso ay makikita rin kung ang aplikasyon ay tinanggihan o rejected.
Ang mga domestic workers, na para sa kanila ay kwalipikado ngunit tinanggihan ang aplikasyon, ay maaaring hilingin na muling suriin ito, sa pamamagitan mismo ng website sa bahaging “Richiesta di riesame”.
Sa seksyong ito ay makikita ang lahat ng mga impormasyon ukol sa aplikasyon at ang mga dahilan ng pagtanggi, pati ang provvedimento di rigetto na magpapahintulot na muling ipasuri ang aplikasyon. Kailangan lamang isulat ang dahilan ng request.
Maaari ring maglakip ng mga dokumentasyon na magpapatunay sa pagkakaroon ng mga requirements (formato pdf, jpeg, png at tiff).
Matapos makumpketo at ma-protocol ang review request, bawat hakbang, impormasyon at pagbabago sa status nito ay masusubaybayan sa parehong seksyon sa website ng Inps. (PGA)