in

Renewal ng mga Permesso di Soggiorno Lavoro Subordinato 2023

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino
Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Ang permesso di soggiorno ay ang dokumento na nagpapahintulot sa mga dayuhan na regular na manirahan at magkaroon ng regular na trabaho sa Italya. 

Bago ang expiration ng nabanggit na dokumento, 30-60 araw, ay kailangang gawin ang request ng renewal nito, sa pamamagitan ng Kit, mula sa mga italian post offices o sa pamamagitan ng mga authorized offices tulad ng mga Patronati.

Ang Kit postale ay nagtataglay ng: 

  • Modulo 1 at 2 (ang nodulo 2 ay kinakailangan para sa renewal ng mga permesso di soggiorno per lavoro subordinato a tempo determinato at indeerminato, lavoro autonomo at attesa occupazione).
  • Bollettino postale para sa pagbabayad ng permesso di soggiorno elettronico;
  • Le tabelle ng iba’t ibang mga codes na gagamitin sa modulo 1 at 2. 

Ang mga dokumento na dapat ilakip sa lahat ng uri ng permesso di soggiorno na ire-renew:

  • Kopya ng permesso di soggiorno na ire-renew, harap at likod;
  • Kopya ng pasaporte, pahina kung saan narooon ang mga personal na datos ng dayuhan at ng dokumento;
  • Kopya ng carta d’identità at kopya ng tessera sanitaria;
  • Stato di famiglia at Certificato di residenza mula sa Comune o Autocertificazione. Ang mga nabanggit ay maaari ring i-request online sa pamamagitan ng SPID. 
  • Marca da bollo na nagkakahalaga ng € 16,00

Renewal ng mga Permesso di Soggiorno Lavoro Subordinato 2023

Ang permesso di soggiorno per lavoro subordinato ay ang uri ng dokumento na ibinibigay sa dayuhan sa Italya sa pagkakaroon ng trabaho. Kailangang sagutan ang parehong modulo 1 at 2. Bukod sa mga dokumento na nabanggit sa itaas, narito ang mga karagdagang dokumento na dapat ilakip sa Kit postale:

  • Kopya ng Comunicazione di assunzione Modello Unilav (ang kopya nito ay ibinibigay ng employer);
  • Kopya ng denuncia Inps del rapporto di lavoro o modello Unilav (para sa mga colf at badabte);
  • Kopya ng contratto di lavoro, pirmado ng employer at worker;
  • Orihinal na Dichiarazione mula sa employer kung saan nasasaad ang pagkakaroon ng kasalukuyang trabaho, lakip ang kopya ng dokumento (carta d’identità) ng employer;
  • Kopya ng pirmadong tatlong huling busta paga;
  • Kopya ng huling 4 na bollettini MAV ng pinagbayarang kontribusyon, kung saan makikita ang petsa ng pagbabayad sa posta o sa bangko;
  • Certificazione Unica 2022/2023, na tumutukoy sa sahod na tinanggap sa taong 2021/2022;
  • Kopya ng huling CU, 730 o modello Unico

Matapos makalap ang mga dokumento na kinakailangan, sagutan ang kit postale, ang modulo 1 at 2, gamit ang black ballpen at printed hand writing. Sundin ang proseso na nasasaad sa portaleimmigrazione.it

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Bonus Occhiali 2023, narito kung paano mag-aplay

Renewal ng permesso di soggiorno, tatanggihan ba dahil sa hatol laban sa dayuhan?