in

Report of Marriage, kailangang gawin ng mga Pinoy sa Embahada o Konsulado

Ang kasal ng mga mamamayang Pilipino sa Comune o anumang simbahan sa Italya ay kailangang i-report sa Embahada o Konsulado ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Roma, Agosto 17, 2015 – Ang kasal ng mga mamamayang Pilipino sa labas ng Embahada o Konsulado ng Pilipinas, halimbawa ang kasal sa Munipisyo o sa anumang Simbahan sa Italya, ay kailangang i-report sa Embahada o Konsulado o anumang Foreign Service post na may hurisdiksyon sa bayan o lungsod o bansa kung saan ang kasal ay naganap.

Ang Report of Marriage ay ginagawa upang mai-rehistro ang naganap kasal sa labas ng bansang Pilipinas sa Office of the Civil Registrar General sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa Department of Foreign Affairs sa Maynila.

Narito ang mga kinakailangan sa Report of Marriage

  • Estratto o Certificato di Matrimonio
  • Report of Marriage application form
  • Orihinal at 1 kopya ng pasaporte ng Pilipino at ng Foreign spouse (o carta d’identità)
  • Application fee

Ang kasal ng mga mamamayang Pilipino sa labas ng Embahada o Konsulado ng Pilipinas ay kailangang i-report agad. Ang pagre-report ng kasal makalipas ang isang taon ay mangangailangan ng pagsusumite ng isa pang dokumento, ang Affidavit of Delayed Registration of Marriage.

 

source: romepe.dfa.gov.ph

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Servizio Civile, hindi na nangangailangan ng carta di soggiorno

Extension ng validity ng Philippine passport, libre