Ang scatti d’anzianità ay isa sa mga dahilan ng pagtaas ng sahod batay sa panahong ipinag-trabaho ng colf sa parehong pamilya. Gaano ang itinataas ng sahod? Paano ito matatanggap?
Ang scatti d’anzianità o seniority o length of service bonus ay isa sa mga dahilan ng pagtaas ng sahod batay sa panahong ipinag-trabaho ng worker sa parehong kumpanya, sa kaso ng mga colf, sa parehong pamilya.
Maraming mga worker ang humahaba ang panahon ng serbisyo na dahilan ng karapatan sa pagtaas ng sahod sa itinalagang panahon ngunit hindi ito natatanggap dahil sa kawalan ng kaalaman sa karapatan sa scatto d’anzianità sa domestic job bagaman ito ay isang karapatang itinalaga noong 1972 pa.
Scatto d’anzianità sa domestic job
Lahat ng mga domestic workers, anuman ang uri ng trabaho (colf, baby sitters, caregivers o gardeners) at anuman ang antas nito ay may karapatan sa scatto d’anzianità.
Ang CCNL per lavoro domestici ang nagtatalaga kung tuwing kailan may karapatan ang mga colf sa ‘scatto d’anzianità’. Ito ay nasasaad sa artikulo 36 ng Contratto Collettivo Nazionale at tumutukoy bilang karagdagan sa karaniwang sahod.
Sa katunayan, ayon sa ipinatutupad na batas para sa domestic job, samakatwid ay mayroong regular na employment contract – ay kailangang kilalanin ang pagtaas ng sahod tuwing ikalawang taon ng serbisyo sa iisang pamilya. Ito ay ang itinakdang panahon para sa karapatan sa scatto d’anzianità.
Nagsisimula ang scatto d’anzianità mula sa unang araw ng sumunod na buwan ng trabaho. Halimbawa, kung ang colf ay nagsimula ng trabaho ng Nov. 26, 2018, may karapatan ang colf sa scatto d’anzianità sa Dec 1, 2020.
Bukod dito, ay nagtalaga rin ang CCNL ng limitasyon sa length of service bonus. Ang employer ay maaaring kilalanin lamang ang maximum na 7 scatti d’anzianità sa iisang pamilya at matapos maaabot ito, kahit patuloy ang serbisyo ay wala ng karapatang makatanggap pa ng ibang increase sa sahod.
Gaano ang itinataas ng sahod?
Ang pagtaas ng sahod, matapos maabot ang itinakdang panahon, ay kinakalkula batay sa itinalagang minimum wage sa domestic job na batay sa antas ng trabaho na nasasaad sa kontrata.
Sa bawat scatto d’anzianità, ang worker ay may karapatan sa increase ng 4% ng minimum wage.
Paalala: Ang 4% ay ina-aplay sa minimum wage na itinalaga ng CCNL at hindi sa sahod na tinatanggap ng worker.
Halimbawa, sa ikalawang scatto d’anzianità, hindi 4% ang idadagdag sa halaga ng sahod ng colf, ngunit 8% sa halagang itinakda bilang minimum wage.
Halimbawa, ang governante, na nasa categoria C ng CCNL (domestic job). Dito ay nasasaad ang € 6,35 minimum wage per hour at samakatwid, sa bawat scatto d’anzianità, ay may increase sa sahod na € 0,508 kada oras.
Sa madaling salita, kung ang worker ay may karapatan sa ikalawang scatto d’anzianità mula Oct 1, 2017, ang employer ay kailangang kalkulahin ang 8% na increase sa minimum wage o ang € 6.35 at hindi sa halagang may increase noong nakaraang taon: ang sahod mula Oct 1 ay tataas sa € 6.858. (PGA)