in

Schengen blacklist, maaari bang matanggal?

Isa sa mga hadlang sa pagpunta sa Europa na sanhi ng pagkaroon ng denied visa sa isa sa mga bansa nito ay ang pagiging blacklisted o pagkakaroon ng bad record sa Schengen system. Narito ang dapat gawin pang matanggal sa schengen record.

Ang Schengen Information System o SIS ay isang database ng Schengen countries na nagtataglay ng mga pangalan o bagay na naka-report dito na maaaring mga non-EU nationals na nagnanais na makapasok sa Schegegn area at/o mga nawalang tao o mga nasa ilalim ng proteksyon tulad ng mga menor de edad.

Layunin ng record ang hindi pahintutlutan ang pagpasok sa Schengen area ng mga tao o bagay na maaaring maging banta sa seguridad at public order ng mga bansang saklaw nito.

Ang pagiging kabilang sa nasabing SIS record ay nagiging sanhi ng hindi pagpapahintulot sa dayuhan na makapasok sa mga bansang kasapi sa Schengen at karamihan ng mga kaso ay dahil sa:

  1. ang dayuhan ay isang banta sa seguridad;
  2. ang dayuhan ay nahatulan dahil sa krimen na naging sanhi ng pagkakakulong ng isang taon;
  3. ang dayuhan ay napatalsik o napa-deport sa mga member state ng Schengen.

Ito ay nagiging sanhi ng denied visa matapos ang aplikasyon at samakatwid ay hindi pahihintulutan sa pagbibiyahe sa Schengen area.

Gayunpaman, ang mga nakatala sa SIS ay mayroong maituturing na mga karapatan tulad ng:

  • Access sa sariling impormasyon;
  • Kaparatang itama kung mayroong mga pagkakamali sa naka-record na datos;
  • Karapatang kumilos upang mabura o itama ang mga maling datos.

Ano ang dapat gawin kapag na-deny ang visa at marahil ay sanhi ng schengen record?

Ang pinakamagandang bagay na dapat gawin ay ang lumapit sa isang abugado na syang kikilos upang malaman ang sanhi ng denied visa.

Sa pamamagitan ng authorization letter mula sa aplikante, ang unang hakbang na gagawin ng abugado ay ang paghingi ng pahintulot sa SIS Italy ng access upang malaman kung ang sanhi ng denied visa ay ang schengen record.

Ang request ay kailangang ipadala sa koreo sa pamamagitan ng registered mail with return card sa Ministry of Interior, o sa pamamagitan ng certified email sa Ministry of Interior.

Kailangang ilakip ang kopya ng pasaporte ng dayuhan sa request, ID, authorization letter, at request letter kung saan hinihingi ang isang deklarasyon na ang aplikante ay bahagi ng schengen record.

Karaniwang nakakatanggap ng tugon sa loob ng 30 araw, (60 araw sa ibang kaso) at kung may makikitang record dahil sa ginagawang imbestigasyon ay may karapatan ang awtoridad na hindi magpadala ng anumang komunikasyon.

Ang legal office, sa kabilang banda, ay hihilingin ang kanselasyon ng pangalan ng dayuhan sa database. Ang kanselasyon ay kailangang may dahilan at maaaring hindi maging madali.

Ito ay maaaring gawin sa sariling linguahe ng aplikante. Ito ay karaniwang hinihiling direkta sa awtoridad ng bansang gumawa ng pagre-report.

Sa ibang kaso ay maaaring gawin ang kanselasyon sa pamamagitan ng Consulate o Embassy sa sariling bansa.

Gayunpaman, may ilang bansa tulad ng Austria, Polonia at Ungheria na mayroong ibang proseso.

Ang paglalakip ng sapat na dahilan tulad ng pagkakaroon ng kamaganak o miyembro ng pamilya sa Italya ay maaaring makatulong upang mapabilis ang kanselasyon.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy bumida sa magkahiwalay ng exhibit sa Paris France

PININYAHANG MANOK