in

School year 2016-2017, narito kung paano mag-aplay ng buoni libri sa Roma

Maging sa nalalalpit na pasukan, ang aplikasyon para sa “buoni libri digitale” ay kailangang ipadala online sa pamamagitan ng website ng Roma Capitale.

 

Roma, Setyembre 1, 2016 – Ang buoni libri ay isang tulong-pinansyal na naglalayong parsyal na makatulong sa mga gastusin ng mga pamilya sa mga libro at mga gamit sa eskwela ng mga mag-aaral sa una at ikalawang antas ng paaralang sekundaryo.

Ang benepisyo ay nakalaan sa mga mag-aaral na nagtataglay ng mga sumusunod:

  1. residente sa Comune di Roma;
  2. nakatala sa una at ikalawang antas ng paaralang sekundaryo, publiko at pribado (paritaria)
  3. ang pamilya ay may ISEE (economic situation indicator) na hindi lalampas sa 10,632.94 EUR.

Ang pamamaraan ay nananatiling tulad noong nakaraang taon, ayon sa Comune di Roma

Kailangang rehistrado sa Portale di Roma Capitale sa seksyong Servizi on line. Ang sinumang rehistrado na, ay maaaring mag-access at gawin ang aplikasyon online, sa pamamagitan ng fiscal code at password sa area riservata.

Samantala, sa mga hindi pa rehistrado ay sapat na ang isa sa mga magulang na mag-rehistro sa seksyon ng Servizi online. Sundan ang link na identificazione al portale.

Ipinapayo na gawin ang pagrerehistro sa panahong itinakda dahil ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng isang notipikasyon ay maaaring tumagal hanggang pitong (7) araw mula sa pagpapadala ng mga requirements, online o fax.

Ang ISEE ay mahalaga sa pag-aaplay, ayon sa pamamaraang nasasaad sa DPCM n. 159/2013. Ipinapayong mag-aplay na ng ISEE dahil ang releasing nito buhat sa Inps, sa pamamagitan ng mga CAF ay nangangailangan ng sampung (10) working days mula sa pag-aaplay nito.

Gayunpaman, ang aplikasyon sa pagtanggap ng ‘buono libro digitale’ ay dapat isumite mula Setyembre 19 hanggang Nobyembre 30, 2016.

Ang Roma Capitale ay mag-iisyu sa aplikante (magulang ng mag-aaral na may karapatang makatanggap ng benepisyo o direkta sa mag-aaral na nasa tamang edad) ng voucher o buoni libri digitali sa pamamagitan pa rin ng parehong website. Ang buono libro digitale ay maaaring gamitin hanggang Disyembre 20, 2016 sa pagbili ng mga libro sa mga authorized bookstore ng Roma Capitale.

Ang halaga ng mga voucher ay tumutukoy sa school year 2016-2017, at nagbabago batay sa klase ng mag-aaral.

 

Klase

          Halaga ng buono libro digitale

Prima Media

          € 130,00

Seconda Media

          € 60,00

Terza Media

          € 70,00

1° Liceo, 1° Superiore

          € 140,00

3° Liceo, 3° Superiore

          € 90,00

2°, 4° at 5° Liceo; 2°, 4° at 5° Superiore

          € 70,00

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Joyce, ang Pinay contestant sa Italian amateur baking competition

Carta acquisti para sa mahihirap, simula na ng aplikasyon para sa SIA