in

Shabu, dahilan ng pagkakakulong ng mga Filipino sa Italya.

May animnapu’t apat na Filipinong kasalukuyan ay nakakulong sa Italya, karamihan sa kanila ay naaresto dahil sa shabu.

altAyon sa Ministero della Giustizia, sa huling ulat nito noong 31 Marzo 2011, may animnapu’t apat (64) na mga Pilipinong nakakulong sa Italya;11 babae at 53 na lalaki (narito ang table). Karamihan sa kanila ay nahuling nagbebenta ng shabu sa ating mga kababayan, natagpuan ang shabu sa kanilang tahanan o ang nagdala o nagpasok ng shabu mula sa ating bansa matapos ang isang bakasyon sa Pilipinas. Kadalasan ang mga nahuhuli sa airport ay biktima lamang at hindi alam na ang padala ng kababayan sa pagbalik ng Italya ay naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.

Shabu, ano ba ito at anu-ano ang epekto nito sa katawan ng tao?

Ang shabu o methampetamine ay isang bawal na gamot, na ang karaniwang anyo ay kulay puti na pulbos na maaaring ihalo sa tubig at iturok. Ito'y may preparasyon rin na maaaring singhutin o langhapin; ito'y tinatawag na "ice". Ang shabu ay isa sa mga ipinagbabawal na gamot ayon sa Republic Act 9165, at matindi ang parusa sa pag-gamit, pagbebenta, o pagbili nito. Ang sinumang mahuli na may 50 grams na shabu ay maaaring paratangan ng habangbuhay na pagkakulong o kamatayan.

Ang shabu ay nakaka-"high" dahil pinapakawalan nito ang Dopamine sa utak ng tao. Ang Dopamine na syang umaaksyon sa iba't ibang bahagi ng utak at ng katawan ang siyang dahilan ng "high" o "rush" na tinatawag.

Ano ang mga masamang epekto ng shabu?

Mga pangmadaliang epekto ng shabu:

  • Pagka-high o pagiging masayang masaya
  • Salita ng salita
  • Pag-iinit ng katawan
  • Pagiging Hypersexuality
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Pagbilis ng paghinga
  • Kawalan ng pagod

Mga pangmatagalang epekto ng shabu:

  • Pagka-addict sa shabu
  • Pagdepende sa shabu
  • Pagiging bayolente
  • Pagkalito
  • Pag-iiba ng personalidad at ugali
  • Pagkawala sa sarili / Pagkasira ng ulo
  • Hindi makatulog / Hirap matulog
  • Pagbawas ng timbang
  • Pagkadinig o pagkakita ng mga bagay na hindi naririnig/nakikita ng iba
  • Mga komplikasyon sa utak, puso, at iba pang bahagi ng katawan

Ayon sa mga iba’t ibang patotoo, hahanapin ng katawan ang 20 beses na gamit nito upang marana san ng husto ang epekto. Sa ibayong dagat, ito ay binabalik balikan ng mga hindi Pinoy na gumagamit dahil sa epekto nito, 8 hanggang 9 na beses kumpara sa coccaine.

Sa madaling salita: Nakakasira ng buhay ang pag-gamit ng shabu. Bukod dito, maaari rin itong magbigay ng sensasyon ng pagpapakamatay o ang nais pumatay ng tao. Ang malason sa shabu ay siya ring tinatawag na methampetamine toxicity. Ito'y nangyayari sa mga nasobrahan ng shabu. Dilat ang mata, mataas ang presyon, hindi regular ang tibok ng puso, pinagpapawisan, nag-iinit at hindi makatulog ang pasyenteng nalason sa shabu.

Samakatwid, ang shabu ay isang delikadong gamot na dapat iwasan di lamang ng Pilipino, lalo na ng mga kabataan na maaaring ma-alok  o ma-imbitang subukan ito. Ang shabu ay nakakasira ng buhay.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EU: Temporary permit to stay, hindi nagbibigay ng kalayaang bumiyahe sa mga bansa ng Schengen.

Pinoys in Fukushima area, urged to evacuate