in

Sino ang may karapatan sa SSN ticket exemption?

Septiyembre 10, 2014 – Sa Italya, upang matanggap ang mga serbisyong pangkalusugan mula sa mga ospital o public clinic o private hospitals na mayroong partikular na kasunduan sa gobyerno, ay kinakailangang magbayad ng isang maliit na halaga sa Regione, ang tinatawag na ticket, na nagbabago o iba-iba batay sa sahod at laki ng isang pamilya.

Gayunpaman, garantisado pa rin ang serbisyong medikal, ayon sa batas, sa mga mamamayang maaaring dahil sa ilang partikular na sitwasyon tulad ng karamdaman o kawalan ng sahod, ay exempted sa pagbabayad ng ticket.

Ang mga non-EU at EU nationals na regular na naninirahan sa Italya, ay mayroong pantay na karapatan sa pagtanggap ng serbisyong pangkalusugan gayun din maging sa exemption na nabanggit.

Nasasaad ang apat na uri o kalagayan ng mga mamamayan na mayroong ticket exemption dahil sa edad at sahod, mga kategorya na mayroong angkop na code.

1) Mga mamamayang may edad na hindi lalampas ng anim na taong gulang o higit sa 65 taong gulang, at ang kabuuang sahod ng pamilya ay hindi lalampas sa  € 36.165.98  Codice E01

2) Mga mamamayang walang hanapbuhay (o ang kanilang dependants) at ang kabuuang sahod ng pamilya sa isang taon ay hindi lalampas sa 8.263,31 (11.362,05, kung kasama ang asawa at karagdagang 516,46 bawat dependant) Codice E02

3) Ang mga tumatanggap ng assegno sociale (dating pensione sociale)at ang kanilang dependants. Codice E03

4) Ang mga tumatanggap ng minimum pension at higit sa 60 anyos at ang kanilang dependants at may kabuuang sahod na mas mababa sa 8.263,31 (11.362,05 kung kasama ang asawa at karagdagang 516.46 para sa bawat carico) Codice E04

May karapatan din sa exemption ang ilang kaso na nabanggit ng batas tulad ng mapanganib na pagbubuntis o ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman tulad ng disables.

Pamamaraan

Bago ang mga pinakahuling pagbabago, ang mamamayan ay nagtutungo sa URP ng ospital o klinika dala ang riseta o impegnativa ng piniling family doctor at doon ay idine-deklara  ang sitwasyon para sa exemption. May pagkakataong kinakailangang magtungo sa tanggapan ng Asl para sa isang exemption card, ngunit hindi ito obligado.

Ang pamamaraan ay nagbago na sa kasalukuyan: Ang piniling familiy doctor (o pediatrician), batay sa isang listahang mayroon ang internal bata base ay susuriin kung ang pasyente ay exempted o hindi at kung exempted ay ang family doctor mismo ang susulat ng code sa riseta o impegnativa.

Kung ang pasyente ay wala sa listahan at naniniwalang kabilang sa mga exempted, ay dapat magtungo sa tanggapan ng Asl na sumasakop sa tirahan, at humingi ng angkop na deklarasyon ng exemption, lakip ang ilang dokumentasyon.  

Kailangan ding magtungo sa Asl ang mga walang trabaho para sa deklarasyon ng aktwal na status at nais makatanggap ng benepisyo.

Ipinapaalala na ang health system ay nasasakop ng Regione at mahalagang humingi ng impormasyon sa Asl na nakakasakop sa tirahan dahil ang mga Regioni ay maaaring magpalabas ng mga komunikasyon ukol sa mga pagbabago ng requirements o karagdagang dokumentasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Editore romano riceve la Medaglia d’Onore dall’Ordine dei Cavalieri di Rizal

Dalawang fashion events, gaganapin sa Roma