Kumpirmado ang pagbibigay ng tulong pinansyal ng estado para sa mga new parents! Ang bonus bebè o baby bonus ay nananatiling katulad noong nakaraang taon.
Roma – Ang bonus bebè 2016 ay isang buwanang tulong pinansyal para sa mga pamilya na nagkakahalaga ng 80 euros sa loob ng tatlong (3) taon kung ang halaga ng ISEE ay mas mababa sa 25,000 euros. Samantala, ang tulong ay madodoble o nagiging 160 euros kada buwan kung ang halaga ng ISEE ay hindi lalampas sa 7,000 euros.
Sino ang maaaring mag-aplay?
Maaaring mag-aplay ang mga magulang na Italians, Europeans at mga no-Europeans. Ang huling nabanggit, sa kabila ng Batas ng Europa, ay kinakailangang mayroong EC long term residence permit o ang kilalang carta di soggiorno o mayroong refugee o humanitarian protection status.
Kailan at paano?
Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa loob ng 90 araw mula sa kapanganakan ng sanggol o pag-aampon sa pamamagitan ng:
- authorized office o patronati;
- Contact Center ng Inps (803164 mula langline o 06164164 mula mobile phones);
- online sa pamamagitan ng www.inps.it.
Application online
Sa sinumang gagawin ang aplikasyon online ay kailangan ang PIN buhat sa Inps. Narito ang hakbang:
- Mag log in sa www.inps.it
- Accedi ai servizi
- Servizi per il cittadino
- Authenticazione con PIN
- Invio domande di prestazioni a sostegno del reddito
- Assegno di natalità – Bonus bebè
Basahin ang Circular ng Inps ukol sa bonus bebè