Sa panahon ng covid19 kung kailan lahat ng mga mamamayan ay nasa kani-kanilang tahanan bilang pagsunod sa mga paghihigpit upang maiwasan ang pagkalat ng virus, bawat pamamaraan na magagawa mula sa tahanan ay malaki ang maitutulong sa lahat partikular sa anumang serbisyo ng Public Administration o kahit sa pagtanggap ng mga ayuda mula sa gobyerno.
Ang Sistema Pubblico di Identità Digitale o SPID ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magbibigay access sa anumang online service ng Public Administration.
Sa katunayan, mula aplikasyon ng ricongiungimento familiare hanggang Italian citizenship, mula sa conversion ng permit to stay hanggang sa booking ng Italian language test ay kailangan ang SPID. Maging sa pagtanggap ng ayuda sa panahon ng covid19 ay kinakailangan din sa ilang Comune ang pagkakaroon ng SPID. Kung kaya’t ipinapayo sa lahat ang pagkakaroon nito.
Upang magkaroon ng SPID mula sa Poste Italiane nang hindi kinakailangang lumabas ng bahay, ay mayroong isang pamamaraan na nangangailangan lamang ng inyong smartphone.
Sa kasamaang palad, ang pamamaraang ito ay hindi maaaring magamit sa lahat ng cell phone. Sa pag-proseso ng aplikasyon, ay kailangan ang tinatawag na NFC (Near Field Communication) at hindi lahat ng Android at Apple ay mayroon nito. Kung kaya’t ang unang hakbang ay kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng NFC sa inyong cellular phones at kung wala nito, ay kailangang gamitin ang alternatibong pamamaraan.
Mga kailangan:
– Isang Electronic Document (Electronic Passport o Electronic Identity Card – CIE);
– Isang smartphone na may NFC;
– I-download ang mobile application “PosteID“.
Buksan ang App at i-click ang “Registrati“:
1. Piliin ang uri ng Electronic Document na gagamitin para sa application: Electronic Passport o Electronic Identity Card (CIE). Kung pipiliin ang CIE at kung mayroon kang PIN, mas mabilis ang pamamaraan;
2. Hihilingin kang kunan ng litrato ang napiling Electronic Document;
3. Ilapit ang E-Document na malapit sa smartphone, upang maisagawa ang awtomatikong proseso ng pagbasa ng data na nilalaman sa chip (ito ang gamit ng NFC);
4. Gawin ang isang maikling video, kung saan babasahin ang makikita sa mobile screen;
5. Gawin ang isang selfie hawak ang Electronic Document na nakaposisyon sa ilalim ng baba;
6. Kunan ng litrato harap at likod ang Tessera Sanitaria o ang Codice Fiscale;
7. Kumpletuhin ang pamamaraan sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang personal datas at pagtatakda ng user name;
8. Ang request ay ipapadala sa Poste Italiane at sa loob ng 5 araw ay ilalabas ang resulta nito.
Kung sa kasamaang palad ang smartphone ay walang NFC o wala ring Electronic Passport o isang Electronic Identity Card, ay maaari pa ring magkaroon ng SPID mula sariling tahanan sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraang ito.
Bisitahin ang https://posteid.poste.it/at i-click ang “Registrati Subito” at narito ang iba’t-ibang paraan na mapagpipilian:
- Mayroong conto corrente BancoPosta o mayroong Postepay + Telephone number ng certified cellular.
Ilagay lamang ang username poste.it at ang password. Makakatanggap ng codice di verifica sa pamamagitan ng sms sa telepono.
2. Mayroong BancoPosta at Postamat reader
Ilagay ang username pati ang codice di verifica na makikisa sa reader.
3. Mayroong active Carta Nazionale dei Servizi at USB
I-click ang “Avvia Identificazione” at sundin ang instruction sa website. Ihanda ang reader ng smart card, tesserae sanitaria at balidong dokumento.
4. Mayroong digital signature
I-click ang “Prosegui” at i-fill up ang form online. Gamitn ang digital signature upang pirmahan ang form. (Allen Magsino – C.S.C. Srl – isinalin ni PGA)