Sa pagkakaroon ng SPID ID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale na tumutukoy sa digital ID ay magpapahintulot sa pagsusumite ng aplikasyon online ng italian citizenship at kahit sa pagsusuri din ng status nito.
Sa katunayan, ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, ay ipinagbigay-alam ng Ministry of Interior na esklusibong sa pamamagitan lamang ng digital identity magkakaroon ng italian citizenship.
Bukod sa angkop na website para sa aplikasyon ng Italian citizenship, ang https://portaleserviziapp.dlci.interno.it/AliCittadinanza/ali/home.htm, ay maaari ring makatanggap ng notipikasyon ng komunikasyon ukol sa aplikasyon ng italian citizenship sa pamamagitan ng App IO.
Ang App IO ay unang ginamit sa bonus Vacanze, Cashback at Green Pass.
Basahin din:
- Italian Citizenship, ang gabay sa bagong website
- Paano magkaroon ng SPID? Narito ang bagong pamamaraan ng pag-aaplay
- Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021