in

Tips sa pag-aalaga ng buhok sa Tag-araw

Ang tingkad ng sikat ng araw at ang init ng temperatura ay maaaring makasira sa dulo ng buhok na magreresulta sa panunuyo, split ends o pagiging marupok nito. Narito ang ilang tips upang mapangalagaan ng wasto ang buhok tuwing tag-araw. 

Ang panahon ng tag-araw ang nagpapatingkad ng natural na highlight ng ating buhok. Pero sa katotohanan, ang tingkad ng sikat ng araw at ang init ng temperatura ay maaaring makasira sa dulo ng buhok na magreresulta sa panunuyo, split ends o pagiging marupok nito. Minsan nga sa sobrang tigas nito ay makikitang parang buhok ng kabayo ang dulo ng buhok dahil sa sobrang tigas at maligasgas.

Ang lahat ng uri (manipis, katamtaman at makapal), texture (diretso, medyo kulot, natural na kulot) at kundisyon (malusog at napinsala) na buhok ay maaaring magdusa kung ito ay malalantad sa sobrang init ng araw na magre resulta sa panunuyo, pagkakulot at pagbuhaghag nito.

  1. Sa panahon ng tag-araw ay dapat bawasan ang pagsa-shampoo upang mahayaan ito na maglabas ng sariling langis. Kailangan ng ating buhok ang mas malumanay na pag-aalaga sa ganitong tag-init. Ang pagpili sa mas nagbibigay ng moisture ay mainam. At sa paghuhugas ng buhok, hugasan ito ng medyo malamig na tubig upang masarhan ang hair cuticle at magbigay ng natural na kintab.
  2. Sa ganitong panahon ang buhok ay parang laging dry o parang uhaw sa tubig kaya dapat lang na umiwas sa mga matapang na kemikal tulad ng bleach, pang-kulay, pang-relax o pang-straight upang hindi mawala ang moisture. Iwasan ang paggamit ng produktong makakapinsala lamang at hindi makakatulong upang mapanatiling maganda at malusog ang ating buhok. Maaaring i-konsidera ang mga produktong may natural na sangkap.
  3. Mabuting ipahinga muna ito sa paggamit ng curling irons, hair iron o hot blow dryer. Mas mabuting patuyin sa natural na paraan, hangin o di kaya naman ay ayusin ng simple lang. Kung medyo basa pa ay maaari itong i-braid na kapag natuyo ay magbibigay ng natural na kulot. Ipinapayong gumamit ng leave-in conditioner na ginawa upang mapangalagaan ang buhok laban sa labis na paggamit ng blow dryer.
  4. Kung lilinisin ito, siguruhing gagamit ng rinse out conditioner na akma sa uri nito. Tuyuin sa pamamagitan ng pagdampi ng twalya at pagkatapos ay maglagay ng isa o dalawang patak ng leave in product sa palad. Ikuskos sa palad at saka ipahid ng maigi.
  5. Ang buhok na laging nakalantad sa arawan ay nangangailangan ng regular na deep conditioning treatment at moisture replenishment. Para sa karagdagang conditioning treatment, maglagay ng deep conditioner at balutin ito ng plastic (cream wrap o shower cap). Hayaang mababad sa conditioner lalo na sa bahaging nasira ng mahabang oras o magdamag.
  6. Laging tatandaan na may mga produkto na nagbibigay kintab lamang, ngunit hindi ibig sabihin ay nagbibigay moisture. Siguruhin ding basahin ang sangkap na nakapaloob sa produktong gagamitin kung anong benepisyo ang maibibigay nito.
  7. Maglagay ng jojoba oil lalo na sa dulo nito na nagpapalambot dito. Ang klase ng langis na ito ay mahusay lalo na sa kulot na buhok at napapaamo sa mga nakatikwas at nanunuyong buhok.
  8. Ang paglalantad sa araw na walang proteksyon ang buhok at anit ang pinakamaling gagawin. Kung pupunta at magtatagal sa beach at ayaw gumamit ng sombrero o kung anumang takip para proteksyon, gumamit ng hair product na may SPF protection.  Magpahid nito at siguraduhing hind lamang sa ibabaw maglalagay kundi abot hanggang anit upang maproteksyunan ang buhok at anit sa kung anumang pinsalang idudulot ng araw.
  9. Ugaliin ang pagbabawas o trim ng buhok. Ang init ng araw ng tag-araw ang nagbibigay ng tuyong buhok kaya marapat lang na tuwing ika-4 hanggang 6 na linggo ay ipa-patrim ang dulo. Kapag ito ay nag-umpisang mamula, ito ang senyales na ansira na at magkakaroon na ito ng split ends.

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Walang tugon sa aplikasyon ng Italian citizenship, ano ang dapat gawin?

100,000 undocumented colf at caregivers, nanganganib ba ng deportasyon?