in

Walang kontrata ang iyong tinitirahang apartment? May pabuya ang sinumang magre-report nito!

Kontrata sa upa ng bahay na apat (renewable sa isa pang apat) na taon  at sa mataas nitong presyo, lumapit sa Internal Revenue. Sunia: “Tanging ang 15% lamang ng mga imigrante ang may regular na kontrata”

altRome – Isang kontrata sa mahabang panahon na may mababang presyo. Ito ay ang premyo na magmula sa ngayon ay maaaring makuha ng mga nangungupahan ng walang kontrata, kung ire report ang ganitong sitwasyon sa Internal  Revenue at kung ire-rehistro ang kontrata nito.
Ito ay nakasulat sa isang dekreto ng municipal federalism, na inumpisahan noong nakaraang Abril 7. Ang bagong batas ay nagpapakita ng isang paraan ng paglaban sa maraming uri ng mga kontrata na hindi naka tala at hindi naka rehistro, naka tala ngunit hindi naka rehistro o naka rehistro na mayroong mas mababang halaga ng upa, naka rehistro bilang nakatira ng walang bayad ngunit ang katotohanan ay nagbabayad ng upa buwan buwan.

Hanggang kahapon, ang mga nagmamay-ari ng tahanan ay mayroong animnapung araw na panahon upang mai-regular ang posisyon. Mula ngayon, ang lahat ng mga mahuhuli ay magbabayad ng mabigat na multa at mapipilitan na gumawa ng isang kasunduan sa pagitan ng uupa at may-ari ng bahay na may kontrata ng apat na taon renewable para sa isa pang apat sa halagang  triplo ng cadastral rent ng bahay o katumbas ng 80 % mas mababa kaysa sa market price.

Ang pagkakataong ito ay sumasaklaw din sa mga banyagang mamamayan sa Italya, na ang karamihan sa mga ito ay umuupa. Kadalasan na walang kontrata o kung mayroon man ay hindi sinasabi kung ano ang mga tunay na kundisyon tulad ng naging resulta sa isang pananaliksik  na “imigrante at tahanan” na inilathala dalawang taon na ang nakaraan ng National Union of Renters at Unit Assignees (Sunia).

Sa isang libong mga dayuhang nakapanayam ng Sunia, tanging 15% ang mayroong kontrata na nakarehistro sa tunay na halaga ng upa,  46% naman ng mga may-ari ng bahay ang nagrehistro sa mas mababang halaga, 39% naman ang mga naninirahan na ganap na walang kontrata o ang kawalan ng rehistrasyon ng kontrata. Ang unyon ay tinatayang 1.1 bilyong mga Euros ang buwis na hindi nabayaran dahil dito.

“Lalo na ang  mga imigrante ay madalas na malaki ang takot sa mga may-ari ng bahay. Ayaw nilang pangunahan ang mga ito dahil sa takot na sila ay paalisin. Ngunit ang mga bagong alituntunin ay maaaring magtulak sa marami upang tumuligsa sa sitwasyong ito: ang  isang apartment sa panahon ngayon sa labas ng lungo ng Roma ay nagkakahalaga ng € 800 sa isang buwan at walang kontrata, pagkatapos i-report ito ay magkakahalaga na lamang ng € 150”, paliwanag ng abugado na si Aldo Rossi, ang kalihim ng Sunia sa Stranieriinitalia.it

Paano dapat kumilos ang mga walang kontrata o may kontrata na hindi naka-rehistro? “Una sa lahat, dapat  masigurado, sa pamamagitan ng website ng Agenzie dell’Entrate kung ang kontrata ay nakarehistro, kahit na sa mga huling araw, at kung magkano ang upang nabanggit. Ang mga sitwasyon ay maaaring iba-iba at kinakailangang magpatulong sa mga asosasyon upang masuri ang kaso”,  pagrerekomenda ni Rossi.

Ang hakbang na ito ay para lamang sa mga legal na dayuhan lamang. Ang batas ay ipinagbabawal, sa katunayan, ang magpa-upa ng bahay sa mga iligal na imigrante, aarestuhin ang may-ari at makukumpiska ang apartment. Ang isang imigrante na walang permit to stay na magpaparehistro ng kontrata sa bagong pamamaraan, ay hindi mabibigyang lunas ang isang mas murang upa, ngunit makakatanggap lamang ng isang order of expulsion.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship: Casini: “Italyano ang sinumang isinilang sa Italya”

RCBC, may bagong opisina!