in

Dalawampu’t pitong mga Overseas Filipino Workers, nagtapos ng Patient Care Skills Training sa Roma 

Knowledge, Ability & Competence. 

 

Isang  tunay na graduation day ang naganap kamakailan sa Roma sa pagtanggap ng medalya at certificate ng dalawampu’t pitong nagtapos na mga OFW ng Patient Care Skills o Care Giving Training sa Roma.

Sa pangunguna ng ‘iParamedici’, isang asosasyon na layuning matulungan ang mga Ofw sa kanilang pormasyon sa pamamagitan ng mahahalagang impormayson at sa suporta ng OWWA Overseas Worker Welfare Administration sa pangunguna ni Rome Welfare Officer Hector Cruz ay naisakatuparan ang pagkakaroon ng mga kapaki-pakinabang na kurso para sa mga Ofw sa Roma. 

Sa ilalim ng Patient Care Skills Training ay dumaan sa mga pag-aaral at pagsasanay ang mga trainees sa loob ng pitong linggo. Dito ay pinag-aralan kung paano ang maging isang ganap na care giver at ang tamang pag-aalaga sa mga pasyente pati na rin ang tamang pag-uugali sa panahon ng emerhensya. 

Ayon kay Dindo Malanyaon, ang founder/president ng iParamedici, ito umano ang ika-sampung batch ng mga Pilipino, ang Juliet 10, na nagtapos ng ‘Life Support Training’ na kinabibilangan ng First Aid, Fire fighting at Patient Care Skills Training

“Ito ang pinakamalaking grupo ng mga graduates at salamat sa suporta ng OWWA ay marami ang natutulungang mga Pilipino sa Roma: una ang maibalik ang self esteem at pag-asa sa mga nagtapos na Ofws sa Pilipinas ngunit nahihirapan ang magkaroon ng trabahong kanilang nais sa Italya; ikalawa ang makaroon ng isang sertipiko na kinikilala ng Regional Office, ng Ministry of Interior ng Italya at samakatwid ng European Union; ikatlo ang posibilidad na magkaroon ng matatag at nais na trabaho at ang pagkakaroon ng financial stability”, ani ni Dindo.

Samantala bakas rin ang tuwa kay WelOff Hector Cruz. Bukod sa nagampanan ang layunin ng kanyang tanggapan ay nakamit rin ng mga Pilipino ang mithiing makatapos ng training sa kabila ng mahigpit na patakaran sa attendance nito. Nangangako rin ng patuloy na suporta ang OWWA sa mga proyekto ng iParamedici Association dahil ito umano ay tunay na nagtataas sa antas ng trabaho ng mga Pilipino. 

Kahit sa mga professionals na o tapos na Ofw sa Pilipinas, nakakatulong pa din ang sertipiko na kinikilala ng Europa. Sa katunayan, mayroong mga testimonies ng mga dating trainees na nasa isang bansa na ngayon ng Europa at pinakikinabangan ang natanggap na sertipiko”, aniya.

Kabilang din si Pia Gonzalez-Abucay ng Ako ay Pilipino bilang panauhing tagapagsalita. 

Tuwang-tuwa ang Juliet 10 Group at nakamit nila ang Knowledge, Ability at Competence na motto ng asosasyong iParamedici at inaasahang ang kanilang patotoo ay magsilbing ilaw at gabay sa mga Pilipinong tila naguguluhan at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Gayunpaman, paalala ng dalawa sa mga graduates ang manatiling mapagkumbaba palagi. 

Ang mga kursong ibinibigay ng iParamedici, sa suporta ng OWWA Roma ay bukas sa mga OWWA members at mga undocumented Pinoys.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dichiarazione Sostitutiva CU 2018, kailangang ibigay sa mga colf ayon sa Assindatcolf

Memorandum of Instruction 003, 2018 – Inilabas ng OWWA Board of Trustees