in

Mga Pinoy, tinanghal na Best Designer at Best Model

Sa ginanap na Multi Ethnic Fashion 2018 sa Roma noong nakaraang Oct 21 ay namayagpag muli ang talentong pinoy sa larangan ng ‘fashion’ sa Roma.

 

Hinakot ng mga Pinoy ang dalawang mahalagang awards nasa nasabing selebrasyon. Tinanghal na Best Ethnic designer si Lionell Christian Lanuzo at Best Ethnic Model naman si Nicole Severo. Kasama sina Monique Cruz ang make-up artist at si Jefferson Creus naman ang hair stylist.

Pitong bansa ang naglaban laban kabilang ang Albania, Italy, Perù, Romania, Russia, Ukraine, China, Poland at Philippines. Inorganisa ng Il Mondo Blu Association, layunin ng patimpalak na bigkisin ang mga komunidad sa Roma sa pamamagitan ng moda.

Punung-puno ang venue. Maraming mga business men, designers at models, owners ng mga boutiques, photographers, media at ibang mga professionals na dumalo upang tunghayan ang patimpalak. Bagay na higit nagbigay kaba kay Christian.

Medyo kinabahan ako dahil talagang pinaghandaan ng lahat ang contest pero nag-focus lang ako at ang buong team sa aming paghahanda”, aniya.

Inabangan at hinangaan ng lahat ang bawat labas ni Nicole at bawat creation ni Christian. Sinasalubong ng palakpakan ang rampa ng Italo- Pinay model at pagkamangha naman para sa lahat ng designs ni Christian.

Partikular, nakaagaw ng higit na pansin ng lahat ang long dress modern filipiniana inspired na puno ng capiz.

Ang gaganda ng mga gowns! May talento at tunay na magaling ang Filipino designer”, ayon kay Andrea B., owner ng dalawang Guest House sa Via del Corso na hindi pinalampas ang pagkakataon para sa isang selfie sa best designer.

Lubos ang tuwa ni Christian. Aniya “Never did i imagine that one day my designs would have a chance to be shot in the amazing Vatican city and have a chance to represent my country in the fashion scene. I am not a professional designer, i have’nt got the chance to study fashion, i only have the heart and passion to do my art”.

Ito ang unang sinalihang fashion contest ni Christian. “Nanliit talaga ako dahil isa sa kalaban ko ay isang professional designer at owner ng isang wedding gowns boutique. Kaya salamat po talaga sa lahat ng naniwala sa akin at sumuporta sa aming team”, pagtatapos ni Christian.

Masaya ang lahat sa pagtatapos ng patimpalak. Patunay lamang na tunay na mahusay at karapat-dapat ang mga tinanghal na best designer at best model. Pinatunayan muli ng mga Pinoy na kaya nating makipag-sabayan o lampasan pa kahit na anong larangan, at kahit kalaban ay sang-ayon din sa ating pagkapanalo at paghahakot ng titolo.

 

 

PGA

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autumn Bloom, ang tagumpay na fashion show sa Milan

Panlilimos at pangongotong sa parking, nilalaman din ng Decreto Salvini