Sa ginawang follow-up ng Ako ay Pilipino hinggil sa insidenteng naganap noong ika 13 ng Agosto ng taong kasakuyan sa pagkakahulog ng isang OFW na nakilalang si Marilou Reyes, 54 taong gulang habang nag lilinis umano ng
bintana mula sa ika apat na palapag sa isang gusali sa Via Cesare Batistti 2 sa Milan.
Ayon kay Perlita, isa rin OFW na naninilbihan sa ika limang palapag ng kaparehong gusali, huli silang nagkita at nagusap ng biktima ay araw ng lunes bago ang insidente.
“Sabi nga ni Marilou, magluluto siya ng masarap na uulam namin, yun ang hulu naming tagpo”. ani Perlita.
Sina Juanita Corpuz at Ruby Castillo, ang mga malapit na kaibigan ni Marilou ang nag aasikaso ng mga dokumento ng biktima at nakikipagtulungan din ang POLO-OWWA sa mga kakailanganin dokumento para sa repatriation ng bangkay ni Reyes habang ang asawa at anak ng biktima ay lumapit kay Labor Secretary Silvestre Bello III at DFA, maging sa Italian Embassy sa Pilipinas upang humingi ng special visa patungo dito sa bansang Italy. Sa katunayan, bukas Agosto 22 ay inaasahan ang pagdating ni Ralph Lawrence Reyes, ang anak ni Marilou.
Ang bangkay ay nakalagak sa isang Morgue sa Lambrate kung saan isinagawa ang “riconoscimento defunto” o ang pagkumpirma ng pagkakailanlan ni Marilou Reyes bago ito sumailalim ang kanyang bangkay sa autopsiya.
Kinumpirma din ni Juanita na maganda ang kalusugan ni Marilou sa medicolegal bago ang insidente. “Wala syang iniinom na gamot tulad ng maintenance at hindi kahit kailan sya na-ospital dito sa Milan mula ng siya’y dumating noong 2006”. aniya.
Ayon pa sa mga kaibigan ng biktima, nagpasyang magbakasyon ang italian employer ni Marilou sa Greece na dapat sanay dito lamang sa Italy kung kaya’t hindi nakasama si Marilou dahil walang ibang mag aalaga sa kanilang aso.
Gayunpaman, ayon sa ilan, ang ‘killer window’ ay depektibo diumano.
Isang misa ang i-aalay ng komunidad sa darating na Linngo.
Chet Valencia de Castro
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]