Ang halalan para sa Consulta degli Stranieri sa Cagliariay nakatakda bukas Nov. 15 at gamit ang electronic voting.
Rome, Nob 14, 2012 – Hanggang noong nakaraang Oct 15 ay nagsumite ng candidacy ang 37 candidati, ngunit 29 lamang ang lehitimo sa mga ito; 3 ang napag-alamang mayroong dual citizenship samantala 5 naman ang hindi kwalipikado dahil hindi mga residente ng higit sa 1 taon ng lungsod.
Sa unang-unang pagkakataon sa Sardegna ay magaganap ang halalan ng mga imigrante sa Comune di Cagliari upang pumili ng kanilang rapresentante, bukas Nov 15, mula 8:00 am hanggang 8:00 pm. Lima ang voting centers: Ufficio anagrafe Piazza De Gasperi, first floor, ex Circoscrizione 1, via Santa Margherita, ex Circoscrizione 3, Via Montevecchio, ex Circoscrizione 4, Via Castiglione (Piazza Giovanni XXXIII), Municipalità di Pirri, via Riva Villasanta.Mayroong 4 na mga watchers sa bawat voting center, pawang mga empleyado ng munisipyo at mga volunteers.
Maaaring bumoto ang lahat ng nakapagpatala bilang residente ng lungsod on or before September 1, 2011 dala ang permit to stay o ang resibo (cedolino) ng renewal nito maliban sa mga EU-nationals. Paano boboto? Piliin lamang ang isang pangalan ng kandidatong nais iboto sa pamamagitan ng electronic voting. Ito ang pinaka latest na hatid ng eleksyon bukas. Ito ay napili diumano upang mapadali ang proseso gayun din ang makatipid ng malaking halaga.
Apat sa 29 na kandidato ay mga Pilipino. Sila ay ang mga sumusunod:
– DE CLARO CELERINA
– GARCIA VIRGILIO FACUNLA
– MEDINA ROSEMARIE DE GUZMAN
– MENDOZA VICTORIA RAQUEL MEDINA
– ORILLO ELMER SOLANO
Itinuturing na pinakamalaking komunidad ang mga Pilipino sa lungsod ng Cagliari at ayon sa mga huling ulat ay humigit kumulang 1,400 ang mga residenteng Pinoy sa lungsod ang inaasahang lumabas ng kanilang mga tahanan bukas, dala ang mga permit to stay upang pumili ng magiging boses ng mga imigrante.
Ang Consulta ay ang consultative na bubuuin ng 15 representatives at magtatagal hangang tatlong taon. Tinatayang aabot sa 4.760 ang mga kwalipikadong botante.
RegolamentoConsultaCittadiniStranieri