Isang babala ang umiikot sa mga Pilipino sa Milan, ‘passaparola’ ika nga. Ito ay matapos mabiktima at ma-hypnotized ang isa nating kababayan ng pinaghihinalaang dalawang hypnotists at napag-alamang ilang buwan na ring nangbibiktima ng mga Pilipino at ilang dayuhan sa Milan.
Milan, Mayo 30, 2016 – Sa panayam sa isang Pilipina ng La Repubblica, nagtago sa pangalang Aling L., ay kanyang isiniwalat ang paraan ng panloloko at pagnanakaw sa pamamagitan ng hipnotismo. Sa kabila ng ilang kwento ng pangbibiktima nito sa komunidad, isa pa lamang umano ang naglakas loob na magsuplong sa pulisya.
“Kung walang nanakit sa iyo at ikaw mismo ang nagbigay ng pera sa mga pinaghihinalaang gumagamit ng hipnotismo, ano ang pwede naming gawin sa kanila?” Ito umano ang kasalukuyang kumakalat sa komunidad na naging sagot ng pulisya at marahil ay nagpapahina ng loob sa mga ito upang mag-report. “Passaparola”, ang paraang ginagamit sa kasalukuyan upang magbigay babala sa mga Pilipino doon.
Narito ang salaysay ni Aling L ayon sa Repubblica: “Halos ala una na ng tanghali, habang ako ay naghihintay sa fermata ng tram papunta sa aking part time job sa Porta Romana. Isang babae ang lumapit sa akin at humihingi ng tulong: “Hindi ako marunong magsalita ng italian, alam mo ba kung saan ang address na ito?”. Ipinakita naman sa akin ang isang maliit at nakatiklop na papel. Binasa ko at may nakasulat na address na pamilyar sa akin ngunit hindi ko alam kung saan. “Itanong mo sa lalaking nasa harapan mo”, utos nito ng may pamimilit. Ipinasa ko ang papel sa Mama, tiningnan ako at hinawakan ang aking kamay, parang isang haplos at ang papel ay hindi na isang maliit na papel, mahaba na ito at puno ng ibang sulat”.
Dito nagsimula ang patibong na sabwatan ng dalawa sa biktimang si Aling L., 25 taon na sa Italya at masipag na part-timer.
“Ang Mama, kwento ni Aling L. – ay malumanay akong kinausap at sinabing: “Ang babaeng ito ay nanalo sa Enalotto, ipinadala ng kanyang employer sa isang abugado na nasa address na ito. Maaaring ikaw ang magpunta ngunit tandaan mong huwag sabihin ang halagang pinalunan ng babae”. Natatandaan ni Aling L ang bawat salitang binitawan ng lalaki pati ang pakiramdam na nais niyang umalis at iwanan ang lugar ngunit hindi ito magawa: “Ako ay hindi nanalo”, ayon sa Pinay. “Halika magpunta tayo sa bar”. Ako ay may trabaho pa”, sagot ng Pinay. “E paano na ang babae, sino ang tutulong sa kanya? Hindi alam ang address, walang naiintidihan at hindi alam ang gagawin, magkunwari ka lamang na walang naiintidihan”, utos pa ng lalaki. At tunay ngang wala na akong naintidihan mula noon. Pumapasok lahat sa aking utak ngunit tila ang kalahati ng aking utak ay nakatulog”.
Isang oras ang lumipas para sa pila at hindi maunawaan ng Aling L, kung paano sila nakapasok sa isang bar-tabacchi at dito ay binigyan ng isang tea: “Tayo ay manalangin”, ayon sa lalaki. At ako ay nagdasal. Pagkatapos ay sinabihang buksan ang aking bag, ito ay aking binuksan. Hindi nila ipinasok ang kamay sa aking bag, ngunit nag-uutos sila ng aking gagawin at naman ay walang anumang takot na sumusunod sa utos nila”.
“Mayroon ka bang gamot sa iyung bahay? Mayroon ka bang 2000 euros? Ikaw ay isang mapagkakatiwalaang tao, magkano ang dala mong pera ngayon?”Ako ay mayroong 200 euros at 50 euros buhat sa aking isang employer para pambili ng sweets. Ipinakita ko pa ang mga ito sa kanila ngunit hindi nila ito hinahawakan. “Kunin mo ito at ilagay sa envelope na ito, ilagay din natin ang ticket ng enalotto. Ang singsing na ito, pwede mo ring ilagay?”. Hinubad ko ito at inilagay sa envelope. Isinara nila ang envelope sa harapan ko, at inilagay sa loob ng aking suot na damit, sa aking bra. “Walang tayong pagsasabihan nito, ikaw ay mapagkakatiwalaan. Pagkatapos ng iyung trabaho, kukunin naming ulit ang envelope at tayo ay pupunta sa isang Signora”. Ako ay umalis na at nagpunta sa trabaho, ramdam ko ang tigas ng alahas at ng mga papel habang papunta sa aking trabaho. Hanggang ako ay nag desisyung buksan ang envelope pagkatapos ng aking trabaho. Ito ay puno ng tali at buhol. “Pagkatapos ng aking trabaho ay kailangan kong bumalik sa kanila ngunit ayoko ng sumama sa kanila. Ano ang dapat kong gawin?”. Tinawagan ko ang aking kapatid at ako ay pinauwing pilit sa aming tahanan.
Sa pag-uwi ni Aling L. sa bahay sa zona Affori ay binuksan ang envelope at sa loob nito ay may mga bato at nilukot na papel.
“Ayoko sanang magsalita dahil ako ay nahihiya, ngunti dahil isang taon na ang nakakalipas ang aking kapatid ay naloko rin at pinapasok pa ang mga ito sa aming tahanan, marahil ng parehong manlolokong iyon”.
Ang masaklap na karanasan ay kanyang simulang ikinuwento sa tram sa mga kababayang nakakasakay upang sabihing mag-ingat at isa-isang nag-kwento ang mga ito: “Kahit ang aking tiyuhin ay na-hypnotized rin dalawang linggo na ang nakakaraan.” “Ang isa kong pinsan ay kinuha naman ang lahat ng kanyang groceries”. “Ang isa naman nating kababayan ay napilit na bumalik ng bahay at papasukin ang mga ito at kinuha ang computer at pati school bag nito”. Lahat ay nagising lamang matapos mahawakan ang mga biktima.
Gayunpaman, ayon kay Aling L. ay matatandaan nya umano ang dalawang marahil na Peruvians, mula 48 hanggang 50 anyos na mga naghi-hypnotize. Isang babala ang hangarin ni Aling L. sa ating mga kababayan sa kanyang panayam sa La Repubblica.