in

TASK FORCE COVID19, binuo ng OFW Watch Italy

Sa kasagsagan ng paglaganap ng corona virus sa Northern Italy at ngayon ay may mga naiulat na ring maraming kaso sa buong bahagi ng Italya, ano ba ang mahalagang papel ng mga organisasyon ng mga Pilipino bukod sa diseminasyon ng mga impormasyon, paalala at direktiba na nagmumula sa Konsulato ng Milan, sa Embahada ng Pilipinas sa Roma at sa gobyerno ng Italya?

Dito pumapasok ang OFW Watch Italy, ang malawak na pederasyon ng mga organisasyon ng mga Pilipino na pinamumunuan ni Rhoderick Ople. Ito ay nagbuo ng isang team na tinawag nilang TASK FORCE COVID19 na ang mga pangunahing gawain ay makapagpakalat ng mga balidong impormasyon ukol sa global na isyung pangkalusugan dulot ng novel corona virus, makapag-monitor ng mga kaso o pangyayaring may kinalaman dito at magtala ng census. Mula dito ay maiparating ito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas at Italya at makapagmungkahi rin ng mga rekomendasyon. Nagtalaga rin ang Task Force, sa pamumuno ni Nonieta Adena, bise-presidente ng OFW Watch Italy, ng mga representante sa bawat rehiyon na siyang magiging daluyan ng impormasyon ng bawat probinsiya o siyudad na sakop nito. Ang tabulasyon na magagawa ay patuloy na pagtatalaan upang siyang maging basehan o giya para sa isasagawang solusyon ng ating gobyerno sa kinakaharap na sitwasyon ng ating mga kababayan dito sa Italya. Katuwang din niya dito si Quintin Cavite, bilang resource person, na pinuno ng Guardians Emigrant Italian Legion, at isa ring boluntaryo sa Protezione Civile Nazionale.

Sa kasalukuyan ay may kampanya sa social media ang mga kasapi nito na ipabatid ang mga kasong may kinalaman sa mga sumusunod:

  1. Kung may kababayan bang naging positibo sa corona virus, o kaya ay may mga sintomas na nararamdaman, kung nasaan ito at kung sumunod na sa direktiba ng Ministero ng Kalusugan ng Italya;
  2. Kung may mga pamilya bang nasa di maayos na kalagayan bunga ng lock-down o closure o kaya ay red zone sa kanilang lugar;

            k.     Kung may mga nakaranas ba ng diskriminasyon, pisikal o verbal na pang-aabuso bunga ng takot sa virus o ignoransya ukol dito;

            d.    Kung may mga Pilipino bang napilitang magbitiw sa trabaho, pinagamit ang ferie o bakasyon, o kaya naman ay hindi na pinapasok sa kanilang mga trabaho o nagsara ang mga establisimyentong pinapasukan;

            e.    Kung may mga kababayan ba tayong nakansela ang biyahe pauwi ng Pilipinas o pabalik ng Italya, na-stranded sa Aeroporto o nanatili muna sa Pilipinas para palipasin ang sitwasyon;

            g.    Kung mayroon bang naabutan ng expiration date ang mga hawak na dokumento habang nakansela o ipinagpaliban ang biyahe pabalik ng Italya;

            h.   Mga pagpapatotoo ng mga Pilipino na nakabalik sa Italya sa gitna ng dekretong inilabas ng gobyernong Italya at mga regulasyon ng mga airline o ng bansang dadaanan o pupuntahan;

Ang lahat ng ito ay kakalapin nang may pagtratong kompidensiyal at paggalang sa pribadong impormasyon ng kinauukulan. Ilalabas lamang ito bilang isang tabulasyon ng bilang at uri ng kaso.

Ang mga impormasyon ay pagbabasehan ng mga rekomendasyong ipapadala sa Konsulato ng Pilipinas sa Milan, sa Embahada ng Pilipinas sa Roma, sa mga ahensiya ng POLO, OWWA at ATN, sa Department of Foreign Affairs at kung kinakailangan ay sa mga ahensiya ng gobyerno ng Italya.

Ang Ako ay Pilipino ay katuwang din bilang daluyan ng impormasyon at publikasyon ng mga balita na magmumula sa TASK FORCE COVID 19.

Ang mga sumusunod ang mga personaheng puedeng tawagan:

                   0039 country code
LOMBARDIA – Rodel de Chavez -3270873618 at Ed Turingan – 3246996060

EMILIA ROMAGNA – Emerson H. Malapitan -3296439523 at Dittz De Jesus – 3285946697 

PIEMONTE – Emy Baldos – 3665284146 

FRIULI-VENEZIA- GIULIA – Joel Ceredon – 3665471328

 VENETO – Rogelio Reyes -3206441324 at Shane Vergara – 3294847010

LAZIO – Bong Rafanan – 3891038761 

TOSCANA – Frediemor Purificacion -3890428072 at Rhoderick Ople – 3249953276

CAMPAGNIA – Priscilla Vallante – 3801480890

CALABRIA – Jemima Vidal – 320326286 

SARDEGNA – Edwin Mendoza  -3277330667 

SICILIA – Marites de Castro- 3273747016 at Ghie Dela Cruz – 3669300285

LIGURIA – Nonie Adena –  3515775811 

MONTECATINI – Quintin Cavite – 3275352844

ni: Dittz Centeno-De Jesus

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang pagkakaiba ng seasonal flu o trangkaso sa COVID 19?

Higit ng 1,598 ang positibo sa covid-19 kumpara sa datos kahapon, March 8