in

Adik ka ba sa paggamit ng cellphone?

Ayon sa pagsasaliksik ng mga eksperto, lumalabas na patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nakakaranas ng pagka-adik sa cellphone sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 

Adik ka ba sa paggamit ng cellphone? Ayon sa pagsasaliksik ng mga eksperto, lumalabas na patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nakakaranas ng pagka-adik sa cellphone sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ito ay dahil na rin sa padami ng padami ang gamit ng cellphone…. Kung noon ay para makatawag at makatanggap lamang ng tawag. Ngayon ay para na rin sa mga pictures, video, picture at video editing, bukod pa sa pagtanggap ng email at social networks. At ang adiksyong ito ay may mga senyales tulad ng sumusunod:

  1. Pagkabalisa. Balisa kung wala ang cellphone sa tabi. Ang mga taong adik sa cellphone ay sinasabing dumaranas ng “separation anxiety” kung matagal na hindi mahawakan ang kanilang cellphone. Nararansan din ito kung low bat o dead bat , o kaya walang load.
  2. Panay ang gamit ng cellphone kahit na may mga kasamang tao. Maaari itong maging sanhi ng pagiging ‘loner’ o hindi na pakikitungo o pakikisalamuha sa ibang tao.
  3. Hindi na magawa ang mga gawain gaya ng pagtatrabaho o pagkain nang hindi lumilingon sa cellphone.
  4. Nakakatulog at nagigising na nakatingin sa cellphone.
  5. Dala-dala ang cellphone kahit saan – kahit sa banyo, hanggang sa pagtulog sa ilalim ng unan.
  6. Nahuhuli ang sarili na nakatitig sa cellphone kahit wala naman talagang ka-text o partikular na ginagawa.

Ang pagka-adik sa cellphone ay may mga maaaring hindi kanais-nais na epekto, gaya ng pagkalabo ng mata, pananakit ng kamay at leeg, at syempre, maaaring maka-apekto ito sa iyong trabaho at pakikisama sa ibang mga tao. Narito ang mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang adiksyon sa cellphone:

  1. Magpahinga paminsan-minsan. Subukan na kahit isang oras sa isang araw o isang araw sa isang linggo o sa isang buwan na huwag gumamit ng cellphone.
  2. Huwag ilabas ng bag kung may mga kasama. Kung may mga okasyon na kasama ang mga pamilya, kaibigan, o ibang mahal sa buhay, pwedeng i-silent mode o patayin ang cellphone para hindi ka ma-distract.
  3. Magtalaga ng oras ng paggamit. Pwede ring ugaliin na pagkatapos ng 10 ng gabi (o anumang oras) ay tama na ang paggamit ng cellphone.
  4. Maghanap ng ibang magagawa. Bagaman tayo’y nasa “modernong” panahon na, huwag kalimutan ang iba’t ibang aktibidad na makakatulong sa ating kalusugan at kasiglahan, gaya ng sports, pag-eehersisyo, pagbabasa ng libro, at mas delakidad na oras ng pakikipag-usap sa ating mga mahal sa buhay.

Ang cellphone ay naging bahagi na ng ating buhay, ngunit ika nga, “too much of anything can’t be good” kaya dapat lang na siguraduhin natin na hindi tayo masosobrahan.

 

Source:

kalusugan.com

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Domestic job na napapaloob sa Decreto Flussi 2019, nilinaw ng Assindatcolf

Paralegal Seminar, ikaIawang serye mula sa Ofw Watch Italy