in

Adobo chicken lollipop

Ang chicken lollipop ay paborito sa lahat ng okasyon ng lahat ng edad. Narito kung paano ito ihanda, hatid ng Rice N Grain

 

chicken lollipop

4 na hita ng manok

1 tali ng parsley

1 kutsara paminton

2 itlog

100 gramo ng breadcrumbs

peanut oil adobo

sauce

1/2 tasa ng toyo

1/3 tasa ng suka (or balsamic vinegar)

1 clove ng bawang

1 tali rosemary

1 kutsara peppercorns

1 dahon ng laurel

coleslaw salad

½ repolyo

2 karot

2 celery

asin

olive oil

suka

Paghahanda

  1. Kunin ang hita ng manok at hiwain mula sa simulang bahagi ng hita ang lahat ng mga tendons. 
  2. Itulak paibaba hanggang mapunta ang laman sa bahaging dulo nito at maghugis bilog. Ang buto ay kailangang manatiling walang laman bilang hawakan. Ito ay magkakaroon ng anyong lollipop.
  3. Ihanda ang panimpla gamit ang breadcrumbs, paminton, asin, paminta at tinadtad na parsley.
  4. Ihulog ang manok sa binating itlog.
  5. Pagkatapos ay igulong sa breadcrumbs.
  6. Ipirito ito sa mahinang apoy at maraming peanut oil hanggang maging kulay brown. (Kung hindi maluluto ang manok, ilagay sa loob ng oven 200 ° ng walong minuto).

Para sa adobo sause

  1. Pakuluan sa isang kaserola ang toyo, suka at pabango sa mahinang apoy hanggang lumapot ito.
  2. Dagdagan ng kaunting tubig kung magiging masyadong malapot.

Para sa coleslaw salad

  1. Hiwain ang repolyo ng manipis.
  2. Tadtarin ang karots at celery.
  3. Pagsamahin ang mga gulay at timplahan ng asin, paminta, olive oil at balsamic vinegar.
  4. Hayaan ng isang magdamag.

Sa isang plato, i-serve ang light salad na mayroong piritong manok na mayroong mainit na adobo sauce.

Buon Apettito!

Narito ang video Hatid ng Rice N Grain

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Required salary ng family reunification para sa taong 2016

Minimum wage for domestic job, simula ngayong Enero