in

Aga, patuloy ang apela

Para matuloy ang pagtakbo bilang kongresista ng ikaapat na distrito ng Camarines Sur sa susunod na eleksyon ay patuloy na nag-aapela si Aga Muhlach. Ito ay matapos tanggalin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga botante sa bayan ng San Jose.

Base sa petisyon ng Election Registration Board, idineklara ng San Jose Municipal Circuit Trial Court sa Camarines Sur noong Oktubre 25 na hindi kwalipikadong botante si Aga Muhlach at ang kanyang asawang si Charlene Gonzales, ayon sa ulat.

"Aga and Charlene could not be residents of Rizal Street, San Juan, San Jose, Camarines Sur, having failed to meet the requirements of six months residence in said place prior to their registration on March 19, 2012 and they had filed their voter application on the disallowed period to pursuant to Comelec Resolution No. 9159," ayon sa pahayag ng San Jose Election Registration Board.

Samantala, ayon sa mga report ay inihayag ni Aga na confident siyang ang desisyon ng municipal court na tanggalin sila sa voters registration doon ay hindi makakaapekto sa kanyang kandidatura bilang kinatawan sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Positibo diumano si Aga na pagbibigyan ng korte ang kanyang apela na kilalanin ang kanyang residency sa nasabing bayan.
 

Nagparehistro diumano ang mag-asawa bilang mga botante sa San Jose noong March 19 at inaprubahan naman ang kanilang rehistro last Sept. 28 ng Election Registration Board ng nasabing lugar. Ngunit may mga nagpetisyon at kumuwestyon sa kanyang residency.

Naniniwala ang Liberal Party candidate na “politically motivated” ang mga hakbang upang ma-disqualify siya bilang botante at kandidato sa San Jose.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ius soli tila walang mararating sa kasalukuyang lehislatura

PE ROME concluded OAV registration, surpasses targeted figure