in

Ang 3 ‘P’ ng buhay: PAG – IBIG, PANGARAP O PERA?

Empoli – Marso 18, 2013 – Bawat tao ay nagmamahal at nangangarap,  kaakibat nito ang pagsusumikap na makamit ang hinahangad kahit kadalasan ay mayroong pusong nasasaktan o/at taong natatapakan. Dito nagsisimula ang mga katanungang, PERA, PAG-IBIG  O PANGARAP?

Kasabihang  kailangang magsakripisyo para sa mga pangarap. Pero sa pagkakataong ito kailangan ba talagang i-sakripisyo ang puso at pagkatao para lang sa mga pinapangarap? Ang paghangad ng karangyaan sa buhay ay hindi masama, pero pag may taong nasasaktan, yun ang hindi tama.

Sa buhay, ay may kanya kanyang rason kung bakit nakakagawa ng mga bagay na para sa karamihan ay mahirap maintindihan at mai-paliwanag. Ngunit inaasahang hindi ito mga sapat na dahilan upang masira ang sariling pagkatao at mawalan ng rispeto sa sarili at tuluyang tumalikod sa mga taong nakapaligid at nagmamahal sa atin.

Marahil, tunay na mahirap ngang pagsabayin ang magmahal at mangarap, pero hindi ba pwedeng magmahal tayo at sa tulong na pagmamahal na yun ay makakamtam ang pangarap na minimithi natin sa buhay?

Ang bawat pangarap ay hindi basta basta natutupad, pinaghihirapan ito at pinagsisikapan sa wastong pamamaraan.

Oo, tayo’y tao lamang, nagkakamali, nasasaktan ngunit hindi ito ang mga dahilan para gumawa ng mga paulit ulit na pagkakamali na nakakasakit sa ating kapwa. Ang yaman at karangyaan ay nawawala, ngunit ang rispeto at pagmamahal ay hindi kailanman maglalaho at ito ang mga magagandang ala-ala kapag nagsisimulang mawala sa tuwid na landas.

Magtiwala sa Diyos, gamitin sa mabuti ang mga biyayang ibinigay sa atin, tulad ng talento, kakayahan at kagandahan. Makuntento kung anong mayroon sa buhay, huwag maghangad ng sobra sobra at nang hindi makasakit ng kapwa. Magmahal ng tapat, igalang ang sarili at huwag hayaang angkinin ng iba ang sariling pagkatao, palaging magtitira para sa sarili at gawiing gumawa ng mabuti upang ang 3 P sa buhay ay makamtan ng ayon sa tamang paraan. ( ni: Rene Peralta )                                                                      

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

March 20, simula ng paghahanda ng aplikasyon para sa mga seasonal workers

Chicken Curry Recipe