in

ANG BAYAN KONG PILIPINAS

Muli’y aking hahawakan,

Ang pluma kong namahinga

At muli kong gigisingin,

Ang tulog kong alaala

Muli’y aking bubuklatin,

Mga tiklop na pahina

Upang muling isigaw ko,

PILIPINAS MABUHAY KA!!!

Muli’y aking susubukan,

Ang pluma ko ay iguhit

At sa diwa’y hahanapin,

Ang nawalang mga titik

Sa puso ko’y pipilitin,

Na muli kong maibalik

Ang maalab kong pag -asa,

At marubdo kong pag-ibig

Ang mundo kong gumuho na,

Ay muli kong bubuoin

Upang muling paghandaan,

Mga araw na darating

Ang lakas na watak-watak,

Isa-isang pupulutin

Upang bigyang katuparan,

Ang marubdob kong hangarin

Sa dulo ng bahaghari,

May pag-asang naaninag

Na muli kong mabubuo,

Putol-putol kong pangarap

Sa madilim na bahaging,

Binalot ng alapaap

Isang PERLAS NG SILANGAN

Ang naghatid ng liwanag

Inang Bayang Pilipinas,

Isang bagay ang tiyak ko

Sa iyo ko ibibigay,

Ang lakas na tinipon ko

Kung sakaling may magtangka,

Na agawin ang lupa mo

Magbabangon sa libingan,

Ang bangkay ng Pilipino

Ang banderang tatlong kulay,

Pula puti’t saka bughaw

Tatlong bayan ang sagisag,

Luzon Visaya’t Mindanaw

Ang araw na nalalapit,

Ay ARAW NG KAPAYAAN,

Halina at magka-isa,

Ito’y ating ipagdiwang

Ako’y isang Pilipino,

Sa dugo ko’t kaluluwa

Sa kulay at aking ilong,

Pilipinong wala duda

Akin ditong tinatawag,

Magigiting na GABRIELA

At bayaning DIEGO SILANG,

Tayo ngayo’y sama-sama

Ang araw na itinakda,

Ay ARAW NG KALAYAAN

Kaya tayo’y sama-sama,

Na ngayon ay magdiriwang,

Sa tinig na buong buo,

Malaya kong isisigaw,

MABUHAY ANG PILIPINAS,

MABUHAY ANG INANG BAYAN

Letty M. Manalo

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Quezonians Group of Firenze, itinatag

Worldwide Walk ng INC, idinaos din sa Italya