in

Ang KAPE

altPara sa karamihan, ay imposible ang gumising at umpisahan ang maghapon nang walang isang mainit na tasa ng kape dahil sa dulot nito. Ayon sa mga mananaliksik ng University of East London ay natagpuan ang isang katotohanan na hindi ang epekto ng kape ang gumigising sa umaga kundi ang ideya mismo ng pag-inom at ang namnamin ang sarap nito habang iniinom ito.

Upang umabot sa konklusyong ito – tulad ng nai-lathala sa isang magazine “Appetite” – ang mga mananaliksik ay sinubaybayan ang kakayahan ng isip, samaktawid ang atensyon at pagiging handa nito, pati na rin ang mood – ang 88 katao na sanay sa pag-inom ng kape sa umaga, lahat ay may edad sa pagitan ng 18 at 47 taong gulang . Ilang mga boluntaryo lamang ang binigyan ng ‘normal’ na kape, habang ang ilan naman ay binigyan ng decaffeinated. Ang resulta ng eksperimento ay ang mga sumusunod: ang lahat ay nagpakita ng mas mahusay na mental faculties, maging ang mga uminom ng ‘light coffee’.

altNgunit paano maaaring ipaliwanag ang mga ito? Ayon sa mga eksperto, ang epekto ng gasolina ay tulad ng ibinibigay ng kape dahil na rin ito ang inaasahan ng kaisipan ng umiinom nito. Sa madaling salita, ang kape ay maaaring isang stimulating drink, gayunpaman, ang malaking porsyon na nagbibigay lakas sa ating mekanismo sa umaga ay nagmumula sa pag-iisip, samakatuwid, ay isang uri ng psychological effect ng pag-inom ng kape.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lea Salonga, one of Miss Universe 2011 judges

Baby sitter na Pinay, naiwan ang alaga, nalunod sa swimming pool