Sa kabila ng magagandang balita ukol sa bakuna, ay wala pa ring katiyakang ang pagkakaroon ng isang epektibong bakuna at gamot kontra Covid19. Kaya’t patuloy at patuloy ang paalala ng awtoridad na upang labanan ang krisis sa kalusugan sa kasalukuyan, ay kailangang gawin ng maayos ang pagsunod sa social distancing at paghuhugas ng kamay, patuloy na pagsusuot ng mask at pagsunod sa biling manatili sa bahay at iwasan ang di mahalagang paglabas ng bahay.
Narito ang 13 utos sa panahon ng Pandemya
1. Kung pasaway ka – ikaw ang dahilan ng maaring pagkahawa ng iba na nag-iingat, ang pangit di ba?;
2. Magmumulta ka ng € 400 – € 1,000. Bukod dito, ililista ang iyong mga paglabag na nagagawa (krimen) at maaring sa hinaharap ay ipawalang bisa ang iyong mga dokumento, gusto mo bang mangyari ito?;
3. Pwede rin may magtapon sa’yo palabas sa Bus tulad ng nangyari sa isang ginang sa Canada, iniwanan sa gitna ng kalsada na parang basang sisiw;
4. Maaring maging biktima ka ng xenophobic attack kung wala kang mask, di ka sumusunod sa social distancing at curfew, bugbog sarado pa;
5. Isipin mo na lang, paano kung anak mo, kapatid, magulang o syota ang naging biktima ng taong nahawa sa di mo pagsunod;
6. Habang tumatagal ang pandemya, humahaba at lumalala ang krisis sa kalusugan. At kapag ganito, magsasara ang mga Negosyo, dadami ang mawawalan ng mga trabaho. Kaya ang pamilya, NGANGA?
7. Matitigil ang inyong paglilimayon. Biruin mo, day-off na nga lang, nasa apat na sulok lang bahay. Ang masaklap, naka-mask pa rin;
8. Problemado ang mga misis at Gf na mahilig sa shopping. At may tendensya na maging adik sa pag-shopping on-line at hindi mabantayan ang pag-swipe ng credit card. Tsk tsk tsk, mga mister;
9. Ikintal sa isip na kapag nahawahan ng covid 19, walang makakabisita sa ospital, walang mag-aasikaso na kapamilya o kasintahan at kung sa pinakamalala ay mapasama sa mga minalas, wala din maglalamay sa tanan;
10. Alalahanin na posibleng magsara ang mga iskwelahan. Mahirap ang Didatica a Distanza at dadami ang takdang aralin na mas magiging mahirap para sa mga bata. Maapektuhan din ang social life nila;
11. Ang buhay ay isa lang, mahirap makipagsapalaran. Lalo na at wala naman lahing pusa;
12. Walang mawawala kung susunod sa ipinag-uutos. Simple lang, isuot ang mask, ugaliing maghugas ng kamay, sundin ang tamang distansya at huwag lumabas ng bahay kung di kinakailangan o importante, intiende?;
13. Dahil Pilipino ka. Responsible at mapagmahal sa kapwa. (Ibarra Banaag)