in

Ang mga kulay sa buhay natin

altKagandahan ng paligid aking napansin

kulay ng mga bulaklak napakalibot sa'tin

mga palamuting parang nakabitin

sa hangin may mga kahulugang ibig sabihin

makakapagbigay aral 'pag isa-isahin

magiging mga gabay at salamin natin

Napakatingkad na kulay itong pula

nagpapahiwatig ng pag-ibig na nagbabaga

at katapangan na sa pamayanan ay mahalaga

kung minsa'y ito ri'y nagpapakita't nagpadarama

isang nag-uumapaw at kakaibang pagnanasa

na makatulong sa'ting kumunidad at kapwa

Pati itong kulay asul ay may kahulugan

nagpapahiwatig ng kapayapaan at katahimikan

nagpapakita sa'ting lakas ng loob at isipan

upang dangal nati'y iingatan

at ipaglalaban na 'di kaylanman mawawala ang katapatan

pagpapahalaga sa'ting sinumpaan at sinimulan

altNapakasaya namang kulay itong dilaw

kumakatawan sa'ting pag-asa't nagkakaisang galaw

upang hangaring makamit mga adhikai't pananaw

nagpapahiwatig din sa'ting kaligayahang nag-uumapaw

nagpapaalalang lagi laging nating balikang tanaw

mga nagawa't pinagsamahan sa mga nagdaang araw

Ang ginintuang dilaw ay para sa ating kayamanan

pwedeng isama narin diyan ang angking katalinuhan

at gayun na rin ang lakas ng katawan at kalusugan

Ang lahat ng mga ito'y magagandang katangian

diyan makikita ang katatatagan ng isang pamayanan

sa ating pagkakawanggawa ay kinakailangan

altAng kulay puti'y kaaya ayang tingnan

nagpapahiwatig sa ating pag-iibigan,

pagmamalasakit bilang magkakapatid at magkakaibigan

sa kalinisan ng mga pusong nagbago ay isang katunayan

at mga matang muling namulat sa katotohanan

na ang poon maykapal lamang ang kaligtasan

(ni BONG RAFANAN)                          

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MUSIKABATAAN, ISANG TAGUMPAY!

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA CERVICAL CANCER