in

ANG SABUNGERONG OFW

Ang istorya pong ito ay pawang kathang-isip lamang at layuning magbigay aliw sa mga mambabasa ng Ako Ay Pilipino.

 

 

Mommy at Daddy ang tawagan nila. College pa lamang ay mag syota na sila Che che at Teddy.  Napakaganda ng kanilang pagsasama kaya naman pagkatapos nila sa kolehiyo ay agad silang nagpakasal. Graduate ng Nursing si Che che at Computer Engineering naman si Teddy. May isang bagay na hindi nila mapagkasunduan, ang sabong.

Daddy, baka naman puwedeng huwag ka munang sumama sa ninong sa derby first year anniversary naman natin eh”  pinagsamang ungot at lambing ang bulong ng asawa.

Mommy naman , alam mo naman na Governor’s Cup ang derby na ito at hindi ko puwedeng pabayaan si ninong“, ang paliwanag ni teddy sa kabiyak.  Ang ninong Ador nila na governor ng probinsya ay suki ng Reyes farm ng pamilya ni Teddy.  Walang sabungero sa buong Luzon ang hindi nakakikilala sa mga Reyes. Ang dugong dumadaloy buhat pa sa kanuno-nunoan ni Teddy ay galing sa tradisyon ng pamilya, ang sabong.  Ang lolo , simula sa pagiging simpleng kristo sa sabungan ay yumaman sa pag-aalaga ng mga panabong na manok. Ang mag-aama ay kilala rin sa paggawa ng mga taring, bumabagay sa bawat tikas ng panabong. Pamana at kaugalian ng mga Reyes ang kakayahan at galing sa pagkilatis ng mga manok sa tupada.  Ang Reyes sa kanilang bayan ay katumbas ng salitang sabong.

Bukod doon Mommy si ninong ang nagpasok sa iyo sa Provincial Hospital at sa akin sa Capitolyo. Nakakahiya naman na tanggihan ko si ninong“, nakatalikod itong kinakausap ang asawa habang inihahanda ang bag at mga materyales na kailangan sa derby.

Limang taon ang lumipas at limang anibersaryo din ang halos hindi nila naipagdiwang dahil sa tari, derby, purebreeds at sabungan. Wala pa rin silang anak kaya ‘t nagdesisyon si Che-Che na sumunod sa mga magulang na domestic helpers sa Roma. Nursing ang kursong tinapos ni Che-Che sa utos na rin ng mayamang amo ng mga magulang na may ari ng isang malaking Rehabilitation Center sa Roma.

Mommy, puwede naman nating pag-usapan ito eh“, masuyong hinihimas ni Teddy ang nag-eempakeng asawa.

Yung mga manok mo ang himasin mo at huwag ako!” – nasusuya ang sagot ni Che-Che.  “Bukod doon alam mo kung saan ako pupunta at may isang taon ka para magpasya. Mawawala siguro ang bisyo mo kung susunod ka sa akin sa Roma“, wari ay isang ultimatum ang mga salita ng asawa.

Ultimatum na epektibo dahil halos wala pang isang taon ay nagawa ni Teddy na sumunod sa Italya. Kasamang kumuha ng tourist visa ng politikong ninong at nag TNT sa Roma upang makapiling muli ang asawa.

Dobleng swerte ang inabot ng mag asawa dahil nagkaroon ng amnesty o sanatoria at naipasok ito ng mayamang amo sa klinika bilang isang filling clerk. Bukod doon ay pinalad din na makabuo ng unang anak ang dalawa.

Paglabas ng bata sana ay lalaki para Teddy Reyes Jr” nangangarap na sabi ng magiging ama.

Oo nga para bata pa man ang junior mo ay tututruan mo nang maglarga ng manok!” – nakangiti ang buntis habang hinihimas ang malaking tiyan.

Sa magandang trabaho ng mag asawa ay nakuha nilang makapagtabi at mapaghandaan ang marangyang binyagan. Maraming bisita at halos mapuno ang battestero ng Basilica di San Pietro. Ang iba naman ay naghintay na lamang at naunang dumating sa eleganteng chinese reataurant na napili ng mag asawa.

Alam ba ninyo kung bakit sa Vaticano bininyagan ang aking apo?” nakangiting tanong ng kababagong lolo sa mga bisita habang nakataas ang kamay hawak ang basong humihingi ng brindisi. “Dahil sa Vaticano ay nandoon ang santong may alagang manok hahahahahahah“, nanunukso sa manugang . Ito ay bagay na ikinasaya ni Che-Che dahil nagkakaigi ang samahan ng kanyang asawa at ama.

Makatapos ang binyagan ay kinuha ni Che-Che ang dalawang buwan na maternity leave  Minsang nag-iimis ng bahay ay napuna ni Che-Che ang USB ng asawa na naiwang nakasaksak sa computer. Ganoon na lamang ang pagkabigla ng bagong anak nang makita ang nilalaman ng usb ng asawa. Mga files ng mga manok na panabong at bawat file ay may kalakip na larawan ng manok, araw ng tupada, kung derby o spesyal na laban, at scanned reciept of payment kapag nanalo o online banking reciept naman kapag talo ang nakalarawang manok!!. Nabulatlat dinang ilang videotape na buhat sa streaming ng mga sabong na karamihan ay padala ng bodyguard ng ninong. AAHHHH sabungerong high tech ang asawa ko!!  ang halos ay sigaw ng dib dib ni Che-Che.

Walanghiya ka Daddy akala ko sa pagpunta mo dito sa Roma ay makakalimutan mo na ang sabong nakita ko ang files mo at talagang nasa DNA mo na ang bisyong yan!” Galit na sumisigaw si Che-Che sa telefono.

Mommy cool ka lang may Reyes bang natatalo sa sabong? ” pabulong ang sagot ng nabuking na kabiyak. “Sa bahay na tayo mag usap nasa trabaho ako.

TTIIIRIIITU TIRURRUUU TTIIIRRITURURRRUUU!!!

Hindi doon nagtapos ang galit ni Che-Che. Alam na nasa computer ang asawa kaya naman agad na bumalik sa computer room upang tawagan sa Skype ang sabungerong high tech upang bigyan ng sermon na high tech din!!

 

ni: Tomasino de Roma

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

National Office against Racial Discrimination (UNAR) – Italy

Strike for a cause!