Ang Todos los Santos ay isa ring pormulang Kristiyano na humuhingi ng tulong sa lahat ng santo at martir, kilala o hindi. Ang mga Pilipino ay ginugunita ito bilang Araw ng mga Patay, Pista ng Patay, o Undas.
Ang kapistahan ng Todos los Santos, Araw ng Lahat ng mga Santo o Araw ng mga Santo, tinatawag na All Saints’ Day, All Hallows o Hallowmas sa wikang Ingles (ang katagang “hallows” ay “santo” at ang “mass” ay misa), ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang Linggo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo o banal, kilala o hindi.
Ang ika-31 ng Oktubre naman ay tinatawag na Halloween sa Ingles, katumbas ng “Ang Bisperas ng Todos los Santos” o “Gabi ng Pangangaluluwa.”
Ang Todos los Santos ay isa ring pormulang Kristiyano na humuhingi ng tulong sa lahat ng santo at martir, kilala o hindi. Sa Pilipinas, palasak na tinatawag itong Araw ng mga Patay, Pista ng Patay, o Undas.
Sa Iglesya Katolika Romana, ang Araw ng Todos los Santos ay parangal sa mga taong nakatamo ng beatipikong pananaw ng kalangitan habang ang sumunod na araw, ang ika-2 ng Nobyembre, ang Araw ng mga Kaluluwa ay paggunita sa lahat ng yumaong na mananampalataya.
Hinihimok ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga sementeryo, memorial park at columbarium tuwing Nobyembre 2, dahil ito ang aktuwal na araw na itinakda para sa mga banal na kaluluwa, na pinaniniwalaang paakyat na sa langit. Ang tradisyong ito ay sinimulan ng Simbahan noong ika-11 siglo at ibinatay sa mga paniniwala na ang pananalangin dito sa lupa ay nakatutulong upang malinis sa mga kasalanan ang kaluluwa ng mga namayapa. Nagdadaos din ng mga misa at novena upang maibsan ang kung sakali man ay pagdurusa ng kaluluwa.
Maraming Pilipino ang ipinagpapatuloy ang paggunita sa Todos Los Santos; dumadalo sila sa misa at ginugugol ang oras sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay upang manalangin, mag-alay ng mga bulaklak, magdasal ng rosaryo, magsindi ng kandila, at magbahagi ng mga kuwento sa mga kaanak at kaibigan.
Nagluluto rin ang mga Pilipino ng mga espesyal na pagkain para sa Hallowmas o ang tatlong pagdiriwang—Bisperas ng Todos Los Santos, at Araw ng mga Kaluluwa—at karamihang gawa sa malagkit na kanin ang mga ito, gaya ng suman sa ibos, suman sa lihiya, palitaw, arroz valenciana, ginatan, at suman latik. Gaya sa mga pista, sa mga probinsya ay binubuksan nila ang kani-kanilang tahanan para ibahagi ang kanilang pagkain sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
Source: Wikipedia