Maglulunsad ang Ako ay Pilipino ng talakayan online kaugnay ng wikang Pilipino sa darating na Linggo, Dec. 20, 2020, sa ganap na alas 10 ng umaga.
Lalamnin ng paksa sa ilalim ng tema na “Ano ang Wikang Pilipino”, ang wika bilang buhay, dinamiko, paano ito kumakatawan sa kasalukuyan at ang ebolusyon nito mula sa mga dating gamit na salita na nabago ang mga kahulugan.
Sisikapin na linawin sa diyalogo ang wikang Pilipino bilang de facto at de jure, katangian ng Pilipinas habang gamit ang wika, paglalahad ng kasaysayan nito bago dumating ang mga dayuhan hanggang maging isang ganap na wikang sinasalita ng buong bansa.
Tampok din sa pag-uusapan kung paano naimpluwensyahan ng mga mananakop ang ating wika mula wikang Pilipino tungong Filipino.
Sasagutin ang tanong kung ang Filipino ba ay isang wikang intektwal at maaring gamitin sa global na komunikasyon. At sa huling bahagi ay pagtitibayin ang wikang Filipino bilang wika ng bayan, pagkatuto at intelektwalisasyon ng mga gumagamit nito at karanasan ng mga mangagawang Pilipino sa abrod.
Lahat ng mga nabanggit ay tatalakayin sa pangunguna ni Bb. Deane Camua, isang manunulat, mananaliksik, tagasalin at editor.
Dagdag ding tatalakayin ang gamit ng wikang Pilipino para sa mga manunulat sa ibayong dagat.
Ang talakayan online ay sa pakikipagtuungan ng mga organisasyong ALAB and Friends, Guardians Emigrant at OFW Watch Italy.
Ang talakayan ay bukas sa mga indibidwal na nais mapalalim pa ang pagkakakilala sa ating sariling wika. Mangyaring magpadala lamang ng email sa akoaypilipino@stranieriinitalia.it o piagoz@yahoo.com o pribadong mensahe sa social media account ng ating pahayagan.