in

Autosorveglianza, maaari bang magpunta sa Supermarket?

Simula January 1, 2022, ay ipinatutupad ang bagong regulasyon na wala ng quarantine ang sinumang mayroong booster jab at bakunado ng ikalawang dosis o gumaling sa Covid19, kung hindi pa lumalampas ng 120 araw

Autosorveglianza, ano ang ibig sabihin nito? 

Ang Autosorveglianza o self-monitoring ay ang bagong regulasyon na ipinatutupad sa halip na Quarantine matapos ang close o direct contact sa isang positibo sa Covid19. Gayunpaman, ito ay para sa mga walang sintomas ng Covid na nabakunahan na ng booster dose at ikalawang dosis o gumaling sa Covid nang hindi lalampas sa 4 na buwan. Ibig sabihin, hindi sila mapipilitang magkulong sa bahay habang naghihintay ng resulta ng covid test na magpapatunay ng pagiging negatibo sa Covid.

Ang mga sasailalim sa self-monitoring period ay magkakaroon ng mas kontrolado kumpara sa normal na buhay sa susunod na 10 araw. Ito ay upang pakiramdaman ang posibleng pagkakaroon ng anumang sintomas ng Covid. Sa katunayan, ay obligadong magsuot ng FFP2 protective mask hanggang sa ikasampung araw matapos ang huling contact sa Covid19 positive. Ang panahon ng self-monitoring ay magtatapos sa ikalimang araw. 

Ayon sa kasalukuyang regulasyon hindi na sasailalim sa precautionary quarantine ng 5 araw ang nagkaroon ng close/direct contact sa Covid positive.

Samakatwid, ang mga nagkaroon ng close/direct contact sa Covid positive ay may pahintulot mag-trabaho, magpunta sa Supermarkets at groceries, pati sa mga shops. 

Gayunpaman, inirerekomenda na maging higit na maingat at gumamit ng FFP2 mask sa lahat ng okasyon at pagkakataon, maging sa loob ng sariling tahanan at sa labas. 

Bukod dito, nasasaad din ang molecular o antigen test:  

  • Sakaling makaramdam ng sintomas,
  • Kung may sintomas, sa ikalimang araw mula sa huling araw ng close/direct contact sa Covid positive. 
  • Negative covid test result para sa pagtatapos ng self-monitoring period

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto Flussi 2021: Kasama ba ang Pilipinas sa Autotrasporto?

Italy, very high risk zone sa updated map ng ECDC